13: Fear of Being a Handful

1 0 0
                                    

Thylies' POV


Simula kahapon ay sensitive ang pakiramdam ko pero pinipigilan ko ang sarili ko at pinipilit ko maging mapagpasensya dahil ayokong mainis si Shaun. Hindi ko pa kasi siya nakikitang mainis. At honestly may takot ako sa mga lalaki kapag galit sila. Ang liit liit ko kasi. Friday ngayon at hinatid na namin sina Lavine pauwi kahit na ayaw nila umuwi. Sabi ko kapag hindi sila umuwi bawal na sila maglaro sa mini playground sa likod ng bahay. Gusto ko sana na payagan silang magstay pa sa bahay kaso ayoko mabaling sa kanila ang pagiging sensitive ko.

"Ayos ka lang ba Hon?" tanong ni Shaun paglabas niya sa CR. Nakapajama na siya.

"Huh? Oo." alangan na sagot ko sa kanya.

Umupo siya sa kama at tumabi sa akin.

"Goodnight." Sambit niya at humalik sa akin gaya ng ginagawa niya tuwing bago matulog.

Kinilabutan ako sa halik niya. Kanina pakiramdam ko ay gusto kong pasabugin ang mundo pero ngayon parang gusto ko halikan si Shaun buong gabi.

Naramdaman ko na nagulat si Shaun nang ang simpleng dampi niya sa labi ko ay nilaliman ko.

"Hon?" gulat na tawag niya nang halikan ko ang leeg niya.

Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na halikan siya. Maya maya lang ay nasa ibabaw ko na siya.

"May condom ka naman di ba Hon?" tanong ko sa tainga niya as he was kissing my neck.

This time was a little rougher than our first.

Nang maligo ako kinaumagahan saka ko lang na-realize ang ginawa ko. It was my pre-mens kaya jumbled ang hormones ko at ang horny ko kagabi. Hindi ko alam kung lahat ba ng babae ay may ganoon pero alam ko sa iba after ng menstruation nila, pero yung akin bago ako magkaroon.

"Good morning Hon." Bati ni Shaun kinaumagahan.

"Uhm Shaun sa guest room muna ako matutulog." Paalam ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya habang kumakain ng breakfast.

"Dahil ba sa kagabi?" gulat na tanong niya sa akin. "Pero ikaw yung..." sambit niya sa akin.

Natahimik naman ako hindi ko alam kung paano ko ba siya papaliwanagan.

"Ako nga yun... kasi malapit na yung menstruation ko." Alangan na sambit ko. "Kaya yung hormones ko magulo ganon." Mahinang paliwanag ko. Pero feel ko di niya mage-gets sinasabi ko.

Lumapad naman ang ngiti niya. Nagpangalumbaba siya sa lamesa as he leaned his body forward to me.

"So mas mabuti siguro na doon muna ako sa guest room." Paliwanag ko pa nang hindi nakatingin sa kanya.

Pero nakikita ko ang ngisi niya.

"Did I mention na super sensitive ako bago ako magkaroon ng period?" inis na sambit ko sa kanya pero hindi natinag ang ngisi niya,

"Ikaw bahala Hon. Kung saan ka kumportable." Nakangiting sambit niya sa akin. Pero parang feeling ko mali ang naging desisyon kong sabihin sa kanya.

"San mo pala gustong pumunta mamaya Hon?" tanong niya sa akin dahil ngayong Saturday scheduled na sa labas naman kami magdi-dinner.

"Hmmm." Pag-iisip ko dahil wala naman akong alam na restaurant puro fastfood. Last week kasi nagmovie lang kami sa living room tapos kumain ng popcorn.

"Ikaw ba?" tanong ko sa kanya.

Sa huli ay napagdesisyunan naming magdrive na lang at kumain ng mga burgers sa iba't-ibang fastfood.

Nakahiga na ako sa kama sa guest room nang marinig ang katok ni Shaun.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon