4: Fear of Beauty Standards

35 1 0
                                    

Thylie's POV


"I now pronounce you man and wife." Sambit ng pari at tila ba nabingi ako.

"Teka lang." sambit ko sa pari pero hinawakan ni Shaun ang mukha ko paharap sa kanya.

Sa inis ko ay hinigit ko nga ang suit niya.

"You!" mahina pero gigil na sambit ko.

"You may kiss the bride." Tila nag-aalangan na sambit ng pari.

I realized na mali pala ang ginawa ko dahil hinawakan niya ang baywang ko at ang kaliwang pisngi ko para halikan ako.

I stood frozen nang humiwalay siya.

Pakiramdam ko ay may humampas sa ulo ko kaya para akong nakalutang sa katapusan ng ceremony. It was time to walk down the aisle.

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin kay Shaun habang naglalakad kami palabas ng simbahan habang sinasabuyan ng mga petals ng bulaklak.

When we finally got out of the church and the light from the sun hit my face. A feeling suddenly dawned on me.

Agad akong tumakbo pababa ng hagdan at palabas sa gates ng simbahan.

Cinderella yarn?

Pakiramdam ko napakahaba ng tinakbo ko. Bakit ba kasi ang layo ng gate ng simbahan mula sa entrance ng mismong simbahan.

Hindi pa ako nakakarating sa kalsada nang tumigil sa harap ko ang bridal car. Lumabas mula roon si Shaun. I looked back wondering kung paano siya nakarating agad sa tapat ko. At dahil mabigat nga ang gown ko napilit niya akong pumasok sa loob ng kotse.

Bumalik kami sa hotel. Dinala niya ako sa loob ng isang kwarto. Normal na kwarto lang iyon. Walang TV, may CR, at isa lang ang kama. It was different sa kwarto kanina.

Galit ako pero hindi ko siya matanong kung bakit I do ang sinagot niya. Kahit na gusto ko siyang tanungin. Pag tinanong ko siya at hindi siya umamin na sinadya niya yun, sinungaling siya. Pero kung aaminin niya ang evil niya para magawang aminin yun.

"You should change." sambit niya at pumasok na sa loob ng CR. "Kung ako sayo hindi ako lalabas." Dugtong niya pa.

Anong you should change anong akala niya honeymoon na sunod neknek niya.

Sa inis ko ay tumayo ako at nagdesisyon na lumabas.

Pero nagulat ako nang salubungin ako ng isang babae na mukhang nasa mid 40's niya.

"Thylie bakit lumabas ka sa kwarto niyo? Heto inumin mo to." Sambit niya at inabot sa mga kamay ko ang isang tasa. Nang hawakan ko lang iyon, inilapit niya sa mukha ko yung tasa.

Sino ba siya?

"Mommy ako ni Shaun." Nakangiting sambit niya.

Awkward naman akong ngumiti sa kanya.

"Magpapahangin lang po sana." Sambit ko sa kanya at dadaan sana pero hinarangan niya ako.

"Inumin mo muna iha." Nakangiting pilit niya.

Ayoko sana dahil hindi ako umiinom ng tsaa pero parang mukha siyang magaglit na kaya naman ininom ko nang dalawang lagukan yung tsaa. I shivered dahil hindi ako umiinom ng tsaa. Parang halo-halo yung tsaa na binigay niya pero lasang lasa ko ang vanilla. Hindi naman sobrang sama ng lasa pero ayoko talaga ng tsaa.

"Sige na Thylie nak, pumasok ka na sa kwarto niyo. Hindi ka pa pwede lumabas gabi pa ang reception." Nakangiting sambit niya at tinulak-tulak ako papasok sa loob ng kwarto.

"Mom!" gulat na sambit ni Shaun. Nakalabas na siya sa CR at nakabathrobe siya. Mukhang tinanggal niya ang make up niya at naligo siya.

Hinila niya ako papasok at kinausap nang mahina ang mama niya.

"Ayoko niyan Mom. Please lang balik ka na sa room niyo ni dad. O kaya sa reception hall na lang. You said you wanted to help doon." Mahinang sambit ni Shaun.

"Sabi ko wag ka lumabas. Anong ininom mo?" tanong niya sa akin nang maisara niya na ang pinto.

Gusto ko sanang magalit pero mukhang nag-aalala siya. "Tsaa binigay ng mommy mo." Mahinang sagot ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang kwarto at sumilip ang mama niya. "Pag may kailangan kayo nasa kwarto lang ako sa dulo yung malapit sa elevator." Nakangiting sambit ng mama niya.

"Mom!" saway niya sa mama niya.

Humahagikgik naman na sinara ng mama niya ang pinto.

Ni-lock ni Shaun ang pinto ng kwarto.

"Bakit lason ba yun?" kabadong tanong ko.

"Pampataas ng libido yung tsaa. It makes a person horny." Sambit niya sa akin. I squinted my eyes at him trying to read kung anong klase ng facial expression ang meron siya.

Natawa naman ako ng kaunti sa kanya. "May ganun ba? Imbento ka." Skeptical na sambit ko.

"Okay then prove me wrong, Na hindi gumagana yung tsaa." Sambit niya as he walked to a sofa and sat down.

Pabagsak siyang umupo kaya naman nawala sa ayos ang bathrobe niya at na-reveal ng kaunti ang chest niya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.

Umirap na lang ako.

May reception daw so ibig sabihin mamaya ay pupunta pa kami sa reception hall.

May maliit na bintana rito. Pero kama lang talaga ang nandito at sofa tas may maliit na built in closet.

Hindi ako pala-labas ng bahay pero nakakabore naman ang ganito.

Nabaling ang tingin ko kay Shaun. Ano kaya ginagawa niya. Pakiramdam ko ay nasamid ako sa laway ko nang makita siyang nakaupo sa sofa. Basa ang buhok. Ang sexy... niya tignan.

I shivered at the thought.

Siguro ay naiinitan lang ako sa suot ko. Lalo na at mainit sa simbahan kanina tas ang kapal ng gown ko. Tumayo ako at pumunta sa CR pero dahil ang laki ng gown ko hindi agad ako nagkasya. Mas maliit siguro ang pinto ng CR kasya sa pinto ng kwarto. Actually hindi talaga ako kasya. Bakit nga ba ganito ang suot ko?

Inangat ko ang gown at nakitang maraming layer sa ilalim ng gown. May hoop petticoat pa na pampalobo ng gown. Kaya siguro hindi ako magkasya sa pinto ng CR.

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong niya sa akin.

"No." mabilis na sagot ko.

I tried to reach the back of my gown para hanapin nasaan ang zipper.

Nagulat ako nang maramdamang may humawak sa kanang side ng baywang ko. Napalunok ako nang maramdaman na lumuwag ang gown.

Hindi ako nagthank you. Hinubad ko yung gown at papasok na sana sa CR dahil nainitan ako pero nagbounce back ako ng kaunti dahil nga hindi ko pa pala nahubad ang hoop petticoat.

"Magsabi ka kasi kung kailangan mo ng tulong maghubad." Sambit niya na walang bahid ng kahit na ano. Gusto ko sana siyang sampalin pero wala naman mali sa sinabi niya.

"Okay na thank you." Awkward kong sambit nang maalis na ang hoop petticoat.

Agad akong pumasok sa loob ng CR. I took a long hot shower. May salamin na maliit sa CR kaya naman tinignan ko ang mukha ko sa salamin. All the make-up has now washed off. At dahil hinubad ko na ang gown makikita kung gaano ako kapayat. Napalunok ako sa insecurities ko.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon