Trigger warning: May include scenes about taking of one's live
Trigger Warning: Suicide
Please read at your own risk. If you need help please seek help from anyone you could reach out to. This story is not to encourage suicide. I wrote this as a safe place for my own deep, dark feelings that I try so hard to fight. I am solely writing to find a way to share a story that might heal my own wounds.
Thank you.
Thylie's POV
Today I am 21 years old.
Gabi na. Suot ko ang earphones ko na malapit na masira. Gumagana pa naman both earplugs pero yung sa kaliwa ay mahina na. Maraming tao sa linear park ngayon. May mga magkakaibigan, mga magkasintahan, mga pamilya. What separates me from them? Siguro yung ngiti na nakaguhit sa mga labi nila sa oras na ito. I leaned at the barricade as I looked up at the sky.
Sabi nila nakikita niya ang lahat, at lagi siyang nakikinig.
"Kung nakikita mo ako, at narinig mo na ang lahat sa buhay ko, nasaan ka?" mahinang sambit ko.
I wonder kung nakikita niya nga ba ako ngayon sa oras na ito. At naririnig ang iniisip ko ngayon.
Tinignan ko muli ang mga tao sa paligid ko. Pero sandali lang ibinalik ko ang tingin sa napakalaking tubig sa harap ko. Ang dumi ng ilog. At ang baho.
I remember may kaibigan ako na tinanong ko. Kung ano ang tingin niya sa mga taong pinuputol ang sarili nilang buhay. At paano kung may mga magical na nilalang na nagliligtas sa mga ganoong tao.
And never have I ever felt so hurt in my life.
Sabi niya kahit kailan daw ay hindi iyon magiging tama. Madamot daw ang ganoong pag-iisip. At para lamang sa mga duwag. Kaya naman kung may mga ganoong magical na nilalang napaka-absurd daw ng ideya na iyon.
Dapat daw ay lumaban lang tayo sa buhay at hanapin ang purpose natin sa mundo. Hindi raw pwedeng putulin ang buhay dahil iyon ay napakalaking kasalanan. Ang buhay ay hindi raw atin at hiram lamang.
I don't blame her paniniwala niya iyon. At hindi niya naman alam ang mga nararamdaman ko. Kahit na naikwento ko sa kanya ang mga problema ko, hanggang salita lamang ang mga iyon, hindi niya maiintindihan kung hindi niya mararanasan. Naiintindihan ko rin na magkaiba kami ng emotional capacity, siguro ay mas mahina ang akin.
Pero sobra akong nasaktan. I thought so differently from her. Ang tingin ko sa mga taong kayang gawin iyon ay matapang. They were brave enough to let go of everything. The people they love, the people who need them, the places they go to, the things that make them happy, the foods that they can eat, the chances of still finding their dreams and purpose in life, and the chance to help the less fortunate. Hindi ko sinasabi na tamang gawin ang pagputol sa sariling buhay. Ang akin lang it takes a lot of courage to let go of everything important in your life. It takes courage to choose yourself over the people that need you.
Siguro para sa iba walang sense. Kung importante pala sa iyo bakit ka bibitaw. Ang hindi nila naisip na kapag sobra na ang sakit na natatamo mo, kahit gaano mo pa kamahal kailangan mong bumitaw kung hindi kakainin ka ng sakit sa ibang paraan. In ways that could be worse than death.
I felt hurt sa sinabi ng kaibigan ko because I've been fighting the urge to do that for years. Everytime that I wanted to escape I felt haunted by the things on this planet. Napakasakit isipin na iiwan ko ang lahat na iyon. Lalo na yung mga tao sa buhay ko na ako ang pag-asa.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomansaThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.