Thylie's POV
Nananaginip ba ako?
Paanong ikakasal ako eh ni wala nga akong boyfriend.
Tahimik lang ako dahil sa gulat habang abala ang mga tao sa loob ng napakalaki at eleganteng kwarto na ito. They were walking around the room nag-aasikaso, nag-uusap.
Tinignan ko si mama na napakalaki ang ngiti at tuwang-tuwa habang inaayos ang dulo ng malaking ball gown na suot ko.
Maya-maya lang ay naging mabigat ang paghinga ko. Nalilito ako kung ano ang nangyayari. I was drowning in their fast movements and voices.
"Thylie?" tawag ni mama sa akin. He called me a few more times but her voice started to muffle.
"Lalabas lang muna ako." Tila hiningal na sambit ko.
"Ha? Baka maya-maya lang ay tawagin na tayo para pumunta sa sasakyan at ihatid ka sa simbahan." Sambit ni mama na nakangiti pa rin sa akin. I could only faintly hear her voice. Para siyang nasa ilalim ng tubig. O baka ako ang parang nasa ilalim ng tubig.
"Kailangan kong lumabas!" malakas na sambit ko sa kanya.
Nakita kong nagulat siya pero nakangiti pa rin siya.
"Oh sige sasamahan kita." Alok niya.
"Mag-isa!" malakas na sambit ko at agad na binuhat ang ball gown na suot ko. Napakabigat nito pakiramdam ko ay may buhat akong maraming tela.
"Babalik din agad ako!" halos pasigaw na sambit ko. Pero nagsisinungaling lang ako.
Anong babalik? Hindi ko nga alam anong nangyayari.
Sa taranta ko ay agad akong lumabas sa malaking hallway. Dumiretso ako sa elevator at agad na pindot ang ground floor. Pawis na pawis ako habang buhat-buhat ang damit ko palabas sa building na ito, mukhang nasa hotel ako.
Nagpalingon-lingon ako nang makarating ako sa labas. Hindi ko alam saan ako pupunta. Siguro dahil hindi ko rin alam kung nasaan ba ako.
At kung bakit ako nandito. Ang huli kong naalala ay tumalon ako sa ilog.
"Miss ayos ka lang ba?" I flinched nang may dumampi sa braso ko. Tinignan ko ang babae mukhang sa hotel nagtatrabaho.
"Ikaw yung bride di ba?" tanong niya sa akin. Kinilabutan ako sa sinabi niya.
"Anong petsa na ngayon?" tanong ko sa kanya.
"March thirty, twenty eighteen." Sagot sa akin ng babae.
What? Dalawang linggo ang nakalipas mula noong tumalon ako sa ilog.
"Nawawala po ba kayo?" tanong niya sa akin.
"Hindi." sagot ko at naglakad pabalik sa loob ng hotel. Sumakay ako sa elevator at pumindot lang basta ng number. Hindi lang dahil ayoko bumalik sa kwarto kanina, kundi dahil hindi ko rin alam kung saan ba ako pupunta.
Lumabas ako nang bumukas ang pinto ng elevator. Para akong timang na buhat-buhat ang mabigat na wedding gown ko.
Nalilito ako sa nangyayari. Dalawang linggo matapos kong tumalon sa ilog.
Na-reincarnate ba ako? Pero bakit ang laki ko na agad? Hindi ba baby muna pag reincarnation?
Tinignan ko ang bandang dibdib ko dahil may nunal ako doon. Meron naman.
Tinignan ko rin ang bandang kaliwang braso ko. Nandito rin ang nunal ko at ang maliit na peklat ko. Mukha namang katawan ko to. Kung ganun napunta ba ako sa ibang universe? Pero parang di naman yun nag-me-make sense.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomanceThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.