5: Fear of Beauty Standards

61 1 0
                                    

Warning: Medyo spicy chapter. As in medyo SPG. Medyo lang. So medyo read at your own risk.



Thylie's POV


May mga bathrobe pa sa loob kaya naman sinuot ko muna yun. Nakababa yung takip ng toilet kaya umupo muna ako sa ibabaw nun tutal malinis naman yun.

And then it hit me.

Natawa ako sa mga naiisip ko. Napahawak ako sa noo ko.

Panaginip ata to? Na-coma ba ko?

Napangisi ako. Malamang panaginip. Naranasan ko na dati na nanaginip na tulog daw ako at nananaginip. Inception yan?

I threw my arms in the air napakacreative talaga ng mga panaginip ko. Yan ang escape. Para akong tanga kanina pa ako pabalik-balik sa mga desisyon ko dahil nakakalimutan ko na panaginip ito. Bakit ba ako namomoblema eh wala naman maling desisyon sa mga panaginip. Tahimik akong natawa, kahit pala sa panaginip nakakataranta ikasal. Atleast naranasan ko ikasal dapat pala inenjoy ko na lang kanina.


Nang lumabas ako I felt more calm kaya iniligpit ko muna yung hinubad ko dahil nakahambalang sa tapat ng pinto ng CR. Sinilip ko si Shaun at mukhang nakatulog siya habang nakaupo sa sofa kaya naman hindi ako masyadong kinabahan na maglakad na nakabathrobe lang. Lalo na yung hoopskirt eh ang laki. Inilapag ko lang sa isang side ng kwarto malapit doon sa gilid ng kama. Tapos ay dumiretso ako sa closet. I stopped in front of the closet looking at Shaun. Ito lang ata ang panaginip na malinaw ang mukha na nakikita ko. Wala naman akong ideal o standard sa physical na hitsura ng lalaki. But Shaun was attracted atleast to me. He wasn't drop dead gorgeous pero gwapo siya, lalo na pag nakaayos.

Ang linaw talag ng mukha niya I could even see the pimple on his cheek and the mole on his right eyebrow.

Binalik ko ang tingin ko sa closet at binuksan na iyon. To my shock walang damit doon. Binuksan ko ang maliit na drawers sa ilalim pero wala ring laman. Akala ko ba kwarto namin to? Bakit walang damit sa loob. Anong susuotin ko? Alangan suotin ko uli yung gown at underwear na hinubad ko na.

I turned to Shaun in horror. Ibig ba sabihin nakabathrobe lang din siya.

"Ahhhhhh!" napatili ako sa takot.

"Bakit!" gulat naman siyang tumayo. Nang makita kong papalapit siya sa akin agad akong tumakbo palayo sa kanya habang sumisigaw pa rin.

"Bakit? Bakit?" taranta niyang tanong habang sinusundan ako. He also looked terrified.

Sa katangahan ko at kakatakbo nadulas ako sa damit na nilagay ko sa gilid ng kama. I was about to fall face down. Napapikit ako kahit na, sa kama naman ako mahuhulog. I felt something tugged on my arm, nagturn ang katawan ko paharap. Pero bumagsak pa rin ako sa ibabaw ng kama.

Lalong lumakas ang sigaw ko nang marealize na nasa ibabaw ko siya. I felt his hand cover my mouth pero di ako tumigil sa pagsigaw.

Natigil ang pagsigaw ko nang maramdam ko na may nakadikit sa mga labi ko.

Nanlalaki ang mga mata ko nang maduling ako sa mukha ni Shaun.

I was about to push him nang humiwalay siya.

Imbis na itulak siya sumigaw uli ako.

And this imbecile kissed me again.

Pero parang...

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

I held his face. Hindi ko alam, hindi ko naman pinag-isipan yun.

I held my breath nang maramdaman kong diniin niya ang labi niya para lumalim yung halik.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon