Thylie's POV
"Hon?" tawag sa akin ni Shaun.
Hindi ko napansin na tumigil na pala ang kotse. Pauwi na kasi kami pero nagpasama muna siya sa dadaanan niya raw.
Taka akong sumunod sa kanya. Bakit kami nasa hospital? May sakit ba siya?
"Shaun!" bati ng isang babaeng doctor.
"Abigail!" bati ni Shaun.
Kabado akong tumingin sa paligid. Ba't kami nasa Obgyn? May STD ba siya?
"Asawa ko si Thylie Atascio." Pakilala ni Shaun sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Dra. Abigail Delos Santos. Pero pwede mo akong tawaging Abigail." Nakangiting pakilala niya. Nagulat ako nang yakapin niya ako.
"Uy! Congrats! Sorry di ako nakapunta kasi may schedule ako na nanganak kahapon. Pero pag nanganak ang asawa mo in the future ako ang OB ha." Nakangiting sambit ni Abigail.
"Ako OB mo ha." Nakangiting sambit niya sa akin. Awkward lang akong ngumiti.
"Wala pa nga eh." Sambit naman ni Shaun.
"Syempre dibs na kasi si Ate Cristy na ang nagdeliver sa anak ni Kuya Anthony." Nakangiting sambit ni Abigail.
Kakilala raw ng family niya yung doctor. Sumama ako sa loob at tahimik lang na umupo sa katabing upuan ni Shaun.
"Ito ba yung tinawag mo kahapon?" tanong nung doctor. Sumagot naman ng oo si Shaun.
Tahimik lang ako habang nag-uusap sila pero nagulat ako nang vasectomy ang pinag-usapan nila. Sandali akong tumingin kay Shaun at agad din na nag-iwas ng tingin.
Tahimik lang ako hanggang sa makalabas kami sa hospital.
"Ayos ka lang ba Hon?" tanong ni Shaun sa akin.
"Oo." Mahinang sagot ko. "I-ikaw?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam anong sasabihin.
"Oo naman." Nakangiting sambit niya sa akin.
"Hindi naman sa nangingialam ako pero baka magsisi ka. After ng... divorce." Mahinang sambit ko.
Ngumiti lang siya sa akin. "Reversible naman daw basta within three years. Saka kakilala namin yung doctor may tiwala kami sa kanya." Sambit niya pa.
"More importantly ikaw ang asawa ko ngayon. Kung talagang ayaw mong mabuntis re-respetuhin ko yun. Kaya ko napagdesisyunan na magpaschedule ng vasectomy kasi hindi naman tama kung ako ang may gusto ng physical contact sayo tapos ikaw ang uutusan kong mag-regulate ng katawan mo. Syempre ako ang mag-aadjust. Kaya ayos lang to sakin." Nakangiting paliwanag niya. "Yung future. Sa future na lang natin pag-usapan, mas importante na komportable ka." Dagdag niya pa.
Tumitig lang ako sa kanya. Namangha ako sa kung paano siya nag-isip. Siguro kasi yung mga lalaki sa pamilya namin laging ang asawa nila ang pinag-aadjust. Lalo na sa relasyon ng mama at papa ko.
"Pero secret lang muna natin. Baka kasi sumama ang loob ni Mom sa atin. Gusto niya kasi talaga ng apo. Sixty two na kasi nagsawa na magtravel at malalaki na ang mga anak." Nakangiting sambit niya sa akin.
"Ganun mo ba talaga ka-hindi kaya na walang sex for two years?" biro ko sa kanya.
"Hmm-mm." mabilis na pag-amin niya habang nakanguso. "Sabi mo naman okay lang sayo basta di ka mabubuntis." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ba nasagot yun sa tanong niya kahapon.
"Wag ka mag-alala di ka mabubuntis pero wala namang effect yung vasectomy sa performance ko." Sambit niya at kumindat.
Umirap lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
RomanceThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.