Thylie's POV
Few months passed. I was still struggling with my life schedule. Pero malaking tulong na nasa bahay ako ni Shaun. At na hindi ako gumagawa ng chores. Pero nahihilo na naman ako sa family problems kaya naman hindi ko muna sinundo sina Lavine at Macy. 1PM nadismiss na agad ako kaya 2 nakauwi ako pero gusto ko lang muna sana ng kahit isang oras sa sarili ko.
Pagtapos ko i-text si Shaun pinatay ko muna ang cellphone ko. Kaunti na lang talaga magkakatrauma na ako sa sarili kong pamilya. Kinausap nila ako kahapon na nalulunod na naman sila sa utang. Alam ko naman na hindi nila kasalanan dahil ito ang society natin. Nakadesign na maging mahirap ang mahirap at yumaman lalo ang mayaman. Pero parang gusto ko mag-breakdown kasi hindi ko naman alam kung paano ba siya tutulungan hindi pa nga ako nakakatapos at maliliit pa ang mga kapatid ko.
I was startled nang marinig ang doorbell. Nang tignan ko sa monitor it was an old woman, unfamiliar to me.
Binuksan ko ang pinto at nabigla ng paulanan niya ako ng sigaw. She was talking about some inheritance at business. Pera na naman?
"Hindi ba asawa ka ni Shaun bakit wala kang masabi?" Galit na tanong niya sakin.
Marami pa siyang sinabi but everything went over my head. Hindi ko siya naiintindihan dahil wala namang sinasabi sa akin si Shaun.
"Hindi ko po kayo maintindihan—" sambit ko pero pinutol niya ako.
"Ano? Bakit bobo ka ba? O tanga?" Tanong niya sakin at sinimulan na maghalo ng mura sa mga sinasabi niya.
Gusto ko maiyak at sabihin sa kanya na pwede bang si Shaun na lang ang kausapin niya pero hindi ko magawa. Nasa harap ko na siya kaya dapat ako ang tumapos nito.
"Sabihin mo sa asawa mo bigyan ako ng computation!" Sigaw niya sa akin. She kept on screaming at nagsisimula na lumabas ang mga kapitbahay.
Para namang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Tita!" Someone screamed from a far. Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Shaun at pinapasok sa loob ng bahay. "Sa kwarto ka muna." Sambit niya. May sinasabi pa siya pero hindi ko na siya marinig.
From behind the door I could still hear her screaming pero maya-maya lang ay nawala. Even though minutes passed pero hindi pa bumabalik si Shaun.
Halos tumalon ako sa gulat nang biglang bumukas yung pinto.
"I'm so sorry." Agad na sambit niya habang papalapit sa akin para yakapin ako. "Sobrang sorry." Sambit niya pa.
"Hindi ko alam na susugod siya dito." Sambit ni Shaun.
"Sorry hindi ko kasi alam kung anong sinasabi niya kaya wala akong nasabi kanina." Ang tanging nasabi ko.
"No. No. Kasalanan ko. Hindi ka naman kasali sa gulo na yun pero nadamay ka pa." With only that hindi ko napigilan na umiyak.
Humiwalay si Shaun sa yakap at gulat na tumingin sakin.
"Wait lang." Tila ba hinihingal na sambit ko. Pinipigilan ko kasi na umiyak lalo. "Sorry lalabas muna ako. May pupuntahan lang ako." Sambit ko sa kanya.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin para lumabas ng pinto. Tinanong niya ako saan ako pupunta pero ang sinagot ko ay diyan lang.
I walked out not thinking kung saan ba ako pupunta. Lumabas lang ako kasi hindi ko mapigilan umiyak. I wanted to desperately find a place I could be alone pero puro kalsada ang nakikita ko. Sa huli bumigay ang mga binti ko habang nasa gilid ako ng kalsada at doon na lang ako naiyak.
BINABASA MO ANG
Suicide Fairy
Roman d'amourThylie gives up at 21 but her fairy had other plans for her, an arranged marriage that will change her life and heal her heart. A story of how Thylie falls for the perfect man for her.