8: Fear of a Coward Man

1 0 0
                                    

Thylie's POV


Kinabukasan hinatid namin ang mga guest na pumunta sa kasal. Walang katapusang congratulations ang tinanggap namin. Naiwan kami ni Shaun dito dahil isang araw pa ang stay namin at bukas pa ang alis namin.

Nang bumalik kami sa hotel room namin naghanap ako ng masusuot na pang swimming. Ngayon na lang uli ako nakapunta sa dagat. Dalawang two-piece na swimsuit lang ang nahanap ko. Sinubukan kong maghanap ng white shirt na lang at shorts pero puro bistida na hanggang talampakan lang ang meron. Iyon na lang ba? Pero gusto ko lumangoy kahit hindi ako marunong. Sa huli sinuot ko na lang yung two-piece na swimsuit at kinuha ang isang bistida na manipis para ipatong doon.

Siguro kung may gift store dito maghahanap na lang ako ng t-shirt at shorts na kakasya sakin.

"Tara na?" tanong sa akin ni Shaun nang makalabas ako sa CR. Nakaswim-shorts siya at may suot siyang white shirt.

Hiramin ko na lang kaya yung t-shirt niya?

"Lotion." Sambit niya at lumapit sa akin hawak ang sunscreen sa kamay niya.

Kukunin ko sana ang lotion sa kamay niya pero nilagyan niya na ako sa mukha at pinahiran.

"Ako rin." Sambit niya. Yumuko siya sa akin para pumantay sa mukha ko.

Hindi naman na ako nagsalita at nilagyan na lang siya.

"Pikit ka." Sambit ko sa kanya.

"Bakit lalagyan mo ba yung talukap ng mata ko? O gusto mo ng kiss?" nakangiting tanong niya.

Sa inis ko ay pinitik ko ang noo niya. Pero tumawa lang siya. Hindi talaga ako masakit pumitik.

Naglagay din ako ng lotion sa braso, at binti.

"Kailangan mo ng tulong?" nakangiting tanong ni Shaun.

"No." sagot ko at tumalikod sa kanya para ipagpatuloy ang paglagay ng lotion sa hita ko.

"Sa likod mo kasi." Tumatawang sambit niya.

Nang matapos ako ay humarap ako sa kanya.

"Ayaw mo ako na lang." sambit niya at hinubad ang t-shirt niya. "Sige ka magkakasunburn ka." Panakot niya.

Naramdaman ko na nag-init yung pisngi ko. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa akin hindi niya ako maaasar.

Mabilis kong pinahiran ng lotion yung likod niya dahil ang awkward ng pakiramdam ko.

"Tara na." aya niya habang sinusuot ang t-shirt niya.

"Ako rin." Sambit ko sa kanya at hinubad muna yung bistida ko. Ayoko magkasunburn kasi mahapdi. Dati kasi nung may pera pa kami every summer kami pumupunta sa dagat, yung mga mura na trip lang kaya alam na alam ko gaano kahapdi magkasunburn. Lalo na sa likod kasi pag pinagpawisan mahapdi tas mahirap punasan. Tumalikod ako sa kanya at hinawi muna ang buhok ko paharap sa balikat ko.

"Shaun." Tawag ko sa kanya dahil di ko naramdaman na nilagyan niya ako ng lotion.

"Shaun ako rin lotion." Sambit ko at pinaling ang ulo ko sa kanya. Nakatingin lang siya.

Kinuha ko ang lotion at nilagyan ang palad niya. "Shaun lotion." Sambit ko habang nakaharap sa kanya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Hon palagyan ng lotion sa likod." Sambit ko dahil baka hinihintay niyang tawagin ko rin siyang Hon.

"Sorry." Agad na sambit niya.

Nagulat ako nang lagyan niya ang dibdib ko. "Hoy!" sigaw ko sa kanya.

"Alam ko namang flat chested ako pero hindi ko likod yan!" inis na sambit ko. Kinuha ko ang bistida at inis na sinuot yun bago lumabas ng pinto. Nauna akong bumaba sa elevator. Iniwan ko siya kahit na tinatawag niya ako nakakabwisit kasi.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon