9: Suicide Fairy

2 0 0
                                    

Thylie's POV


Nang matapos kami maglunch bumalik kami sa dagat. Pero umupo muna ako sa mga chaise lounge na may katabing payong sa buhanginan.

"Hoy Shaun!" sigaw ng isang lalaki mula sa kalayuan. May apat na lalaki at dalawang babae na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Akala ko umuwi na kayo?" gulat na sambit ni Shaun. "Hinatid pa namin kayo pero nandito pa pala kayo." Nakangiting sambit ni Shaun.

"Sayang ang pag-absent pre. Sulitin na." tawang sambit ng kaibigan niya.

Nag-high five sila. Ang isa sa mga babae ay humalik sa pisngi ni Shaun.

"French kasi siya." Tila gulat din na sambit ni Shaun sa akin. Halata ngang may lahi ang kaibigan niyang babae.

"Juliette." Sambit nung babae sakin.

"Thylie." Sambit ko naman. Tumayo ako at inalok ang kamay ko sa kanya pero nagulat ako nang halikan niya rin ako sa pisngi.

"Jeffrey." Pakilala ng isa niya pang kaibigan.

"Hello." Mahinang sambit ko.

Nagulat ako nang lumapit siya tila bebeso rin.

"Jeffrey." Pagharang ni Shaun.

"Ba't ikaw?" tanong ni Jeffrey habang tumatawa.

"French ang girlfriend mo. Pilipino ang asawa ko." Kontra ni Shaun.

"To naman. Di wag." Tawang sambit ni Jeffrey.

Isa-isang nagpakilala ang mga kaibigan niya. Akala ko sa kanila si Shaun pa lang ang nagpapakasal pero may isa rin pala silang kaibigan na kasal na at asawa niya yung isa pang babae.

"Sali ka Hon?" tanong sa akin ni Shaun magvo-volleyball daw kasi sila.

"Wow Hon." Pang-aasar ni Jeffrey.

"Mauna ka na kaya sa net para di tayo maunahan." Sambit ni Shaun at sinipa pa sa binti si Jeffrey.

"Pwede dito na lang ako?" pakiusap ko sa kanya. Hindi kasi talaga ako mahilig sa sports kasi takot ako matamaan ng bola. Sue me pero hindi talaga ako mahilig sa sports, nanunuod ako ng ilan pero laro? Siguro badminton. O kaya yung mga laruan na pambata kasi kalaro ko mga kapatid ko.

"Sige. Pag gusto mo sumali punta ka lang doon sa may net." Sambit niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Humalik siya para magpaalam bago umalis.

I lazily sat on the lounge habang pinapanood ang tahimik na pag-alon ng dagat.

Pero habang patagal nang patagal parang may tumatawag sa akin sa dagat.

Biglang bumigat ang paghinga ko at bumalik sa akin ang mga naramdaman ko noong araw na pumunta ako sa tabing ilog.

Naluha ako nang marealize na hindi pala akin ang buhay na ito. Naalala ko ang mga problemang sumakal sa akin. I've been playing house all this time. Pero ni hindi ko nga alam paano ako napunta rito kung napunta ba ako sa ibang parallel universe. O kung comatose lang ba ako at nanaginip.

Hindi ko napansin na naglakad pala ako papunta sa dagat. I only realized nang umabot na sa dibdib ko ang tubig.

Napahakbang ako patalikod nang may lalaking biglang sumulpot sa harapan ko mula sa tubig.

"Tsk. Tsk. Drowning yourself again." Sambit niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Sino ka?" gulat na tanong ko sa kanya. Nagniningning ang mukha niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa dagat iyon. At kulay blue ang buhok niya.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon