12: Fear of Being a Handful

1 0 0
                                    

Thylies' POV


"Ma?" mahinang tawag ko.

Bago pa sumagot si mama dinig na dinig ko ang malakas na iyak ni Lavine.

"Si Ate!" sigaw niya.

Pangalawang araw na nga pala to na hindi niya ako nakikita.

"Ba't napatawag ka Thylie? Gabi na ah." Sambit ni mama.

"Mangangamusta lang sana. Si Lavine?" tanong ko sa kanya.

Ako kasi ang katabing matulog ng batang yun.

"Mama di na uuwi si ate?" tanong ni Macy kay mama. Napakalakas talaga ng boses ng batang yun dinig na dinig ko.

Lalo namang umiyak si Lavine dahil sa sinabi ni Macy.

Inilayo ko yung phone sa tainga ko. Siguro buhat ni mama si Lavine kaya ang lakas ng sigaw niya.

Sumakit naman ang ulo ko. Paano ko naman i-e-explain sa isang four years old na hindi na ako sa bahay titira? Si Macy siguro maiintindihan pa.

Nagulat ako nang marinig na umiyak din si Macy. "So Ate is never gonna come home?" iyak ni Macy.

Hala! Naiiyak din ako.

May memorya na naman na pumasok sa isip ko. Pinaliliwanag ko sa mga kapatid ko na hindi na ako doon titira kaya ako nag-iimpake tapos umiyak si Macy. Naintindihan niya kasi. Kaya naman umiyak din si Lavine.

"Hon?" inaantok na tawag ni Shaun habang yumayakap sa akin mula sa likod ko.

"Ma. Tawag na lang uli ako." Paalam ko bago pinatay ang tawag.

"Sinong umiiyak?" tanong niya sa akin.

"Nagising ka ba sorry? Tumawag lang ako sa bahay." Sambit ko sa kanya.

"Hindi naman." Nakapikit na sagot niya habang nakayakap pa rin.

"Sinong umiiyak? Kapatid mo? Yung mga flower girls?" tanong niya sa akin.

Hindi ko naman alam ano isasagot sa kanya.

"Oo, ako kasi katabi nila matulog kaya siguro umiiyak. Hindi ako nakapagpaalam na hindi na ako sa bahay uuwi kasi pag sinasabi ko umiiyak sila noong nakaraang mga araw." Paliwanag ko sa kanya.

"Hmmm." Sambit niya. "Pano yun?" tanong niya sa akin.

Hindi ko rin alam actually. "Pwede bang doon muna ako? Ngayong gabi lang tas bukas para mapaliwanagan ko kung bakit hindi na ako doon pwede matulog?" tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya sa sinabi ko.

"Liligpitin ko na ba yung kama? Dalhin natin sa inyo?" tanong niya sakin.

Hindi naman ako agad nakasagot. Inaantok yung boses niya hindi ko mabasa ko kung joke ba yun.

"Hindi..." alangan na sagot ko. Hindi ko alam paano sagutin ang tanong niya kasi di ko alam kung seryoso ba siya o ano. Hati kami sa kwarto ng mga kapatid ko kaya ang weird kung nandun din si Shaun. Saka magulo ang loob ng bahay namin.

"Gusto mo sunduin natin sila? Dito na lang sila muna matulog?" tanong ni Shaun.

"Para rin malaman nila kung saan ka na titira." Dagdag niya nang hindi ako sumagot.

"Sige pupunta ako doon para itanong kay mama." Sambit ko sa kanya.

"Gabi na sasamahan na kita." Sambit niya." Saka baka di mo na ako uwian. Kunin ko lang susi ko." Sambit niya bago umakyat sa taas.

Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon