15: Fear of Being Too Needy

3 0 0
                                    

Thylie's POV


Pasukan na uli kaya mas lalo akong na-stress sa schedule ng buhay ko. Wala naman nagbago sa schedule namin bukod sa mga check up namin ni Shaun para sa vasectomy niya, at pagsabay ni Shaun na ihatid ako sa university dahil magkalapit ang oras ng pasok namin. Pero minsan ay hindi ako nagpapahatid sa kanya kasi nagca-cancel ang morning class namin.

Halos ihagis ko ang sarili ko sa kama nang makauwi ako mula sa university. Pero dahil nanlalagkit ako dumiretso muna ako sa CR. Nagulat ako nang makita ko si Shaun.

"Ang aga mo?" tanong ko sa kanya.

2 P.M. kasi ako dumating sa bahay dahil maaga kaming dinismiss. Balak ko sanang sunduin nang maaga ang mga kapatid ko. Ganun kasi ang ginagawa ko kapag maaga akong umuuwi.

Niyakap niya ako imbis na sumagot. "Hon three months na lumipas." Naglalambing na sambit niya sa tainga ko.

Tumaas naman ang kilay ko. Inisip ko ano bang petsa ngayon. Three months na pala mula nang magpa-vasectomy siya ibig sabihin sterile na siya.

"Pwede na ba?" tanong niya sa akin. Dinikit niya ang ilong niya sa ilong ko.

"Habang wala pa ang mga karibal ko." Nakangiting sambit niya.

"Karibal?" tawang tanong ko.

Tumawa lang siya at hinalikan na ako.

It was as sweet as the first time. Pero may iba. It felt deeper, and more passionate.



I stared at Macy, Lavine, and Shaun na nagbo-bonding sa paggawa ng sand castles. Si Shaun ang niyaya nila na gumawa kasi hindi raw ako marunong. Pabor kasi gusto ko rin talaga na panuorin lang sila. Nanawa na rin akos a ilang years na kalaro sila from baby games to children games.

Noong una iniisip ko na hayaan na lamang kayna mama sina Lavine, at Macy dahil natatakot akong maging cold si Shaun. Si papa kasi hindi na ganun kalambing kay mama simula nang ipanganak si Macy. Pero ayokong lumayo ang loob nina Macy, at Lavine sa akin. Inisip ko na magdi-divorce din naman kami ni Shaun. Pero hindi ko inexpect na mag-e-effort si Shaun para maging comfortable sila Macy, at Lavine dito. Na bibilhan niya ng mga laruan sina Macy, at Lavine para magkaroon ako ng oras sa kanya. Na magde-date kami o kung ano pa tuwing Sabado o Linggo. At na humanap ng paraan para mabawasan ang gawain ko sa bahay. Sa totoo lang ay magha-hire sana siya ng maid pero tumanggi ako kaya naman nagpapadeep cleaning na lang kami twice a week, at laba every two weeks. Hindi ko rin inasahan na kahit buwan na ang lumipas ginagawa niya pa rin yung sinabi niya na pagtrato sa akin bilang asawa niya.




Tuesday ngayon at kakababa lang namin sa kotse nang sunduin namin sina Lavine. Nakasalubong namin sa tapat ng pinto ang mommy ni Shaun. Kabado kong hinawakan ang kamay ng mga kapatid ko.

"Mom!" bati ni Shaun at humalik sa mom niya.

"Hello po." Awkward na bati ko at humalik din.

Kahit na nakangiti siya kinabahan ako.

"Mga kapatid mo anak?" tanong niya sa akin.

"Opo. Si Macy saka si Lavine." Pakilala ko.

"Mommy siya ni Shaun." paliwanag ko sa mga kapatid ko.

"Hi!" nakangiting bati ng mommy ni Shaun. Agad na nagmano si Macy, si Lavine naman ay sinamahan ko pa. Mahiyain kasi si Lavine.


Suicide FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon