Dear Kim Taehyung
Blog Post #1
Dear Kim Taehyung,
Hi Oppa!
Ito ang unang post ko sa blog na ginawa ko para sayo. Oo Oppa, ginawan kita ng blog kahit na alam ko namang 0.001 % ang chance na mabasa mo 'to. Iniisip ko rin kung paano ba kita makikita ng personal. Hayyy...paano ba mangyayari yun eh nasa Korea ka samantalang nasa Pilipinas naman ako? *sigh*
Oppa, gusto kong malaman mo na hindi lang kita minahal dahil sa looks mo o sa talent mo. O dahil sa sikat ka o dahil sa pagiging pure na Alien mo. Minahal kita oppa dahil ikaw ang dahilan kaya may pangarap ako ngayon. At katulad ng sinabi mo, susundin ko ang tinitibok ng puso ko at kung ano ang magpapasaya sa akin. Mahal kita oppa! Mahal na mahal kita kahit hindi mo naman alam na nag-i-exist ako.*sigh*
Pero sana talaga Oppa mabasa mo 'to at kapag nabasa mo 'to, sana mapangiti kita.
I love you oppa and fighting!
Love,
Summer
End of Blog Post.
4 comments for this post:
Cheska_Dee: Pinuno mo ang newsfeed ko ng link ng walang kwentang blog mo na 'to. You really wanna die don't you?
Summer: @Cheska_Dee: I love you beshie! *^___^*
Cheska_Dee: @Summer: Die.
Summer: T_____T
*****************************
What is your dream?
Yan ang tanong na huli kong sasagutin sa career questionnaire na ibinigay sa amin ng adviser namin.
Fourth year highschool na kami at ga-graduate na this March kaya kailangan na naming mamili ng career na gusto namin.
Psh. Who needs dreams anyway?
Para sa isang katulad ko na ipinanganak sa pamilya ng mga Doctor ay hindi na nila kailangang itanong 'to sa akin.
Dahil simula ng ipinanganak ako sa pamilyang Morillo ay iisa lang ang ini-expect ng mga tao sa bunso ng pamilyang yun.
At yun ay ang...MAGING DOCTOR DIN AKO.

BINABASA MO ANG
Dear Kim Taehyung [V]
FanfictionBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [V]. [TAGALOG] Once upon a time, an alien with the name of Kim Taehyung landed into my life. He invaded my whole world and I'm not even prepared about it. Summer Morillo has nothing but only one dream and that is: TO BE...