Dear Kim Taehyung
Blog Post #10
Dear Kim Taehyung,
Oppa!!!
Natanggap mo ba ang loveletter ko ha? Ha? Ha?
Sana natanggap mo yun at sana mabasa mo rin. Hihihihi. Excited na talaga ako sa magiging reaction mo doon. At isa pa pala oppa!!! Nabalitaan kong malapit na ang concert ninyo!!! KYYYYAAAAAAHHHH!!! Excited na talaga ako!!! Bibili talaga ako ng VIP Ticket at excited na akong humawak ng fan light! Susuportahan kita oppa kaya hintayin mo ako sa concert mo okay? *0*
Hayy...pero sa tingin ko hindi makakaya ng allowance ko ang halaga ng ticket kaya kailangan kong maghanap ng part time job. Kailangan ko kasing mag-ipon ng pera para sa VIP ticket ng concert nyo oppa at pati narin sa pagbili ng mga pictures mo na ibenebenta sa akin ni beshie. Hmmp...hindi man lang nya ako binibigyan ng discount. =3=
Oh! Sya nga pala oppa, magbibigay ako uli sayo ng loveletter ngayong araw na 'to kaya sana mabasa mo.
Saranghae~!
Love,
Summer
End of Blog Post.
2 Comments for this Post:
Cheska_Dee: Sama ako uli sa school nyo mamaya.
Summer: @Cheska_Dee: EH?! Pero beshie baka mahuli ka!!!
****************************
BTS Apartment:
"Nasaan ba yun ha?" ang tanong ni Taehyung habang binubuksan isa-isa ang mga loveletters na nasa harapan nya.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nya at sumulpot doon si Jungkook.
"Hyung nakita mo ba ang--"
Pero natigilan si Jungkook nang makita ang mga nagkalat na mga papel na yun sa sahig ng kwarto ni Taehyung.
"Hyung, ano bang ginagawa mo ha at bakit ang daming nagkalat na papel dito?" ang tanong nya saka tuluyan ng pumasok sa loob.
"Ahhh..." ang hindi lumilingong sagot naman ni Taehyung na nanatili lang na nakaupo sa sahig at binubuksan ang mga loveletters na nanduon. "May hinahanap lang ako na loveletter maknae"
Napakurap naman si Jungkook.
"Saan ba galing ang mga loveletters na yan hyung?"

BINABASA MO ANG
Dear Kim Taehyung [V]
FanfictionBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [V]. [TAGALOG] Once upon a time, an alien with the name of Kim Taehyung landed into my life. He invaded my whole world and I'm not even prepared about it. Summer Morillo has nothing but only one dream and that is: TO BE...