Blog Post #6.1

2.3K 162 48
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #6.1

Dear Kim Taehyung,

Oppa, alam mo bang may weird na nangyari kagabi?

Alam mo bang ini-follow ako ng official twitter account ninyo? Pero paggising ko kaninang umaga, na-unfollow na ako. Hindi ko tuloy alam kung nananaginip lang ba ako nang makita ko yun o hindi. Pero ang imposible naman nun oppa diba? Hmmp...baka nga namalikmata lang ako. Tama. Hihi.

Ah tama oppa! Ngayon na pala ako mag-o-audition sa school ninyo!

Saan nga ba yun? Ah! Sa Seoul School of Arts! Nabasa ko kasi sa profile mo oppa na doon ka nag-aaral ngayon kaya doon ako mag-i-enroll para magkita na tayo! Pero narinig ko na kailangan pang mag-audition ng mga katulad kong non-idol student para makapasok lang sa school na yun. At ang narinig ko pa ay ang magiging judge sa audition ay ang mga katulad mo ring idols.

*gasp!*

Hindi kaya...

Hindi kaya ikaw ang isa sa magiging judge sa pag-o-audition ko?! Kyyaaaaahh...! Sana nga ikaw oppa! Sana nga ikaw para makita na kita ng personal at para marinig mo narin ang boses ko! Haaaayyy...sana nga this time mapansin mo na ako...

So hintayin mo ako oppa okay?!

Saranghae! <3

Love,

Summer

End of Blog Post.

2 Comments for this Post:

Cheska_Dee: @Summer: Nakita mo ba kung nasaan ang Polaroid camera ko?


Summer@Cheska_Dee: Hindi ko nakita beshie. Bakit? Saan mo ba gagamitin ang Polaroid camera beshie ha? Ha? Ha? Ha? Ha? *0*





*********************************



BTS Apartment:


"HYYYYYYYYYYYUUUUUUUUNNNNNNGGG!!!!" ang kalabog ni Taehyung sa kwarto ni Suga nung umagang iyon. "HYUNG BUKSAN MO 'TO!!!"

Agad namang binuksan ni Suga ang pinto ng kwarto nya at inaantok pang napatingin kay Taehyung.

"Ano ba yun Taehyung ha at ang aga-aga ay nanggigising ka?" ang inaantok nyang tanong dito habang kinakamot ang mga mata nya.

"Hyung! Sa school ninyo ako mag-i-enroll!" ang excited pang sigaw ni Taehyung.

Napakurap naman si Suga at hindi makapaniwala sa narinig.

"At anong brand ng katol ang nahithit mo at bigla ka nalang nagka-interes mag-enroll ha?" ang hindi parin makapaniwalang tanong ni Suga. "At bakit ngayong alas-sais ng umaga mo sinasabi sa akin yan? Hindi ba pwedeng mamayang alas dyes na kung saan papasok na kami ni Jimin?"

"Yun na nga hyung!" ang hyper paring pagtatalon ni Taehyung sa harapan nya. "Diba kayong dalawa ni Jimin ang magja-judge sa audition?!"

Doon na kumunot ang noo ni Suga.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon