Blog Post#15.1

2.2K 139 29
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #15.1


Dear Kim Taehyung,



KYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH..!

Oppa!!! NAWAWALA ANG PERA KO NA PAMBILI KO NG TICKET!!! >0<

Uwaaaaaahhhh!! Hindi ko kasi malala kung saan ko nailagay ang pera ko na yun eh! Huhuhuhu! Ano na ang gagawin ko oppa?! Mamayang gabi na ang concert ninyo pero wala na akong pera na pambili ng ticket..! Uwaaaaaaaaahhh!!! T___T

Pinaghirapan ko pa naman yun mapag-ipunan pero mawawala lang pala?!

Huhuhu..! Oppa!!! Ano na ang gagawin ko?! Gustong -gusto kitang makita sa concert ninyo pero parang hindi na ako makakapunta.T^T

Hay ang dami kong problema ngayon. T^T

Idagdag mo pa ang iniisip ko ngayon oppa...

*sigh*

Hindi ko kasi talaga maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa isang kaibigan ko. Oo oppa. Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko sya ha? At kapag hinahawakan nya ang kamay ko ay namumula ako. Oo oppa! Feeling ko nga nagiging awkward na ako sa kanya eh! May ideya ka ba oppa ha kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Kasi ako hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman sa kanya at kung ano 'tong nararamdaman ko. Haiiz...

Hindi mo naman to nababasa pero kinakausap parin kita.

Pero alam ko oppa na darating ang araw na mababasa mo ang blog ko na 'to at malalaman mo ang feelings ko sayo. Mahal kita oppa. Mahal kita kahit na hindi mo ako pinapansin at kahit na hindi mo naman alam na nag-i-exist ako.



Love,

Summer

End of Blog Post.


2 Comments for this Post:


Cheska_Dee: Iisa lang ang masasabi ko. Ang tanga mo. Kung alam mo lang sana...

Summer:@Cheska_Dee: Oo beshie! Alam ko na yan kaya wag mo ng sabihin dito! >.<



*****************************


BTS Apartment:

"Huhuhuhuhu..."

Nagkatinginan noon sina J-hope at Rapmon na nagkakape sa kusina nang marinig ang iyak na yun ni Jimin mula sa sala ng apartment nila.

"Anong nangyayari doon?" ang tanong ni Rapmon.

"Teka lang, kakausapin ko" ang sabi naman ni J-hope saka sya tumayo at naglakad papunta sa sala.

At ang nadatnan nya sa sala ay si Jimin na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa tablet nya.

"Huhuhuhuhu..."ang iyak parin nya.

Magsasalita na sana sya pero doon biglang dumating si Suga na halatang bagong gising.

"At anong nangyayari sa'yo Jimin ha at ang aga-aga ay umiiyak ka?!" ang galit na sigaw ni Suga. "Nagising pa ako mula sa mahimbing na tulog ko!"

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon