Blog Post #7

3.2K 181 99
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #7


Dear Kim Taehyung,


Oppa, bakit hindi ka tumitingin sa akin kanina sa audition ko ha?

Alam mo bang sobrang nasasaktan ako ngayon dahil sa pagtrato mong yun sa akin?! Oppa...ang sakit...! T^T

Hindi mo man lang napanuod ang pagkanta ko. Pinagpraktisan ko pa yun ng ilang ulit pero hindi ka man lang nagbigay ng reaction mo. Kahit ngiti man lang, hindi mo ibinigay sa akin. Bakit oppa? Dahil pangit ba ang pagkanta ko ha? Hindi mo ba nagustuhan? O dahil sa mas maganda pa ang mga kasama kong nag-o-audition doon?

Oo na, kahit na masama ang ugali nung dalawang nakatabi ko kanina sa audition ay hindi ko maitatangging magaganda sila. Hindi ako magsisinungaling sa bagay na yun atsaka bad magsinungaling oppa diba? May kasabihan nga tayo na LIARS GOES TO HILL. Oo oppa, napupunta sa hill ang mga sinungaling at sabi pa ni Papa, sinusunog daw sila ni satanas kaya hindi talaga ako magsisinungaling.

Hayyy...pero sige na nga, alam kong darating ang araw na mapapansin mo rin ako oppa!

Hindi man ngayon pero darating talaga ang araw na yun! FIGHTING!!!

Pero...masakit parin...T^T

I love you oppa. I love you kahit na hindi mo ako pinansin.

PS.

Ngayon pala lalabas ang result sa audition oppa.

Hayy...kinakabahan tuloy ako sa magiging result.

Love,

Summer

End of Blog Post.

5 Comments for this Post:

Cheska_Dee: Gusto mong bumili ng picture ni Sehun?

Summer: @Cheska_Dee: Beshie, broken-hearted na nga ako, bebentahan mo pa ako?Hustisya...! T^T

Cheska_Dee:@Summer: Sabi nila ay lucky charm daw ang picture ni Sehun. Kapag may hawak ka daw na picture nya ay maiinlove sayo ang taong mahal mo.

Summer: @Cheska_Dee: SIGE BESHIE!!! BIGYAN MO AKO NG SAMPU!!! ^0^

Cheska_Dee:@Summer: At isa pa pala, it's liars go to hell at hindi liars goes to hill. Nakakahiya ka.



********************************



BTS Apartment:


"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Biglang naisuka ni Rapmon ang kapeng iniinom nya samantalang sabay namang napatingin ang limang kasama nya sa kwarto ni Taehyung.

Nasa kusina sila ngayon ng apartment nila at nag-aagahan.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon