Blog Post #5

2.9K 165 98
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #5

Dear Kim Taehyung,

Oppa!

Excited na talaga ako!!! >0<

Alam mo bang pumayag na ang parents ko na mag-enroll ako sa kahit saang school na gusto ko?

Natapos narin ang graduation namin kaya pupunta na kami dyan sa Seoul bukas ng umaga kaya hintayin mo ako sa airport oppa, okay?

Pero joke lang oppa! Nangangarap lang naman ako eh! Malabong mangyaring makikita kita sa airport! Haaaaayyy...pero ang saya siguro kung makikita kita sa airport pagkarating ko dyan. Sayang lang at hindi mo ako kilala at hindi mo rin naman mababasa ang mga pinagsusulat ko dito kaya hindi mo malalaman na darating na ako dyan.

Haaaayy...pero excited na talaga akong makita ka oppa!

Sana nga makita na kita kaagad! ^0^

Saranghae oppa! <3

Love,

Summer

End of Blog Post.

4 Comments for this Post:

Cheska_Dee: I can't believe I'm actually reading this.

Summer: @Cheska_Dee: YEHEY!! BINABASA NA NI BESHIE ANG BLOG KO! ^___^

Cheska_Dee: Ito na ang pinakawalang kwentang blog na nabasa ko sa buong buhay ko.

Summer: T_____T

****************************

Seoul, Korea

Agency Conference Room:

"Mas mabuting mag-enroll muna kayo sa kahit saang gusto nyong school habang maluwag pa ang schedule natin" ang announcement ni Mr. Han, ang manager nila sa harapan ng conference room. "So, may naisip na ba kayong school na gusto nyong attenan?"

Nagtaas ng kamay si Jin mula sa pagkakayakap nya sa super mario stuff toy nya.

"Kukuha ako ng acting course sa Seoul University" ang sabi nya.

Nagtaas din ng kamay si Rapmon.

"Siguro, sasama ako kay Jin hyung sa pagkuha ng acting course sa Seoul University" ang sabi nya.

Nilingon naman sya ni Jin at nakangiti pa silang nag-apir.

"Ako naman..." ang sabi naman ni Suga saka kinamot ang baba nya. "...kukuha siguro ako ng music course sa Seoul School of Arts"

Nakangiting nilingon naman ni Jimin si Taehyung na kanina pa busy sa pagbabasa ng kung ano man sa tablet nya.

"Taehyung! Saan mo ba gustong pumasok na school ha para sabay na tayo!" ang excited nyang tanong dito.

Parang natigalgal namang napalingon sa kanya si Taehyung mula sa pagtingin sa tablet nya.

"Ha?"

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Jimin.

"Ang tanong ko, saan ka mag-i-enroll ngayon?" si Jimin.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon