Blog Post#15.2

2.1K 148 48
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #15.2




Concert...



"KKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAHHHH...!"

Nasa labas palang kami ng Concert Arena ay naririnig ko na ang tilian ng mga fangirls na nauna ng pumasok sa Arena na yun. Mukhang excited na excited na ang lahat kahit na hindi pa man nagsisimula ang concert.

Nasa labas na kami nakapila ngayon para pumasok at ibigay ang ticket namin.

Masaya ko namang nilingon si Taewon oppa na nasa likuran ko noon.

"Ang saya nito oppa diba?!" ^0^ ang masayang lingon ko sa kanya.

Ngumiti naman sya.

"Makita lang kitang masaya ay masaya na ako" ang nakangiting sabi nya saka nya ginulo ang buhok ko.

"Pero bakit ka ba naka-hood oppa ha? At bakit mo ba ako sinabihan na bawal kitang tawagin sa pangalan mo?" @3@ ang naka-pout na tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya.

"Eh kasi baka makilala ako ng mga fans dito" ^___^ ang nakangiting sabi nya.

"Ahhh..."ang nasabi ko nalang at tumango-tango saka ako napatingin sa likuran naman nya. "At bakit kasama din dito si beshie ha?"

Oo nga, nang malaman kong may ticket din si beshie para dito ay na-shock talaga ako.

Ito kasi ang first time na pupunta sya sa isang concert dahil nasanay ako na lagi syang nakababad sa mga medical books nya.

Nagtaas naman ng mukha si beshie mula sa pagbabasa ng tablet nya. At alam kong medical ebook na naman ang binabasa nya. At sinasabi ko sa inyo, boring basahin ang medical ebook, books, at kahit anong may medical na pangalan kaya wag nyo ng itry basahin dahil mahihilo lang kayo katulad ko. Mas masaya pang basahin ang comics kesa sa doon eh.

"Dahil gusto kong makakita ng abs" ang sagot nya lang.

Eh?

Gusto nyang makakita ng abs? @___@

"Ah! Gusto mong pag-aralan ang itsura ng abs!" ang masayang sabi ko naman. "Ikaw talaga beshie! Pati ba naman sa concert ay mag-aaral ka parin?! Aish!"

Pero tinignan nya lang ako gamit ang walang emosyong mukha na yun.

"At isa pa ay may mission ako kaya nandito ako" ang sabi nya.

Eh?

Mission?

Magtatanong pa sana ko pero ako na ang kukunan ng ticket sa pila.

Kukunin ko na sana ang ticket na nasa bag ko pero...

"Dalawang VIP ticket" ang biglang sabi ni Taewon oppa saka nya ibinigay ang dalawang ticket na nasa kamay nya.

Eh?

Bakit...

Bakit dalawa ang ibinigay nya?

Eh diba...

Diba binigyan nya rin ako ng ticket sa locker ko kanina?

"Summer, let's go?" ang nakangiting yaya sa akin ni Taewon oppa.

Napakurap naman ako.

"O-oh" ang nasambit ko nalang saka kami naglakad papasok.

Pero nagtataka talaga ako eh.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon