Blog Post #3.1

2.8K 164 142
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog post #3



Dear Kim Taehyung,


Oppa, bakit ka ba umiiyak sa concert mo kanina ha?


Dahil ba yun sa first love mo?


After ng concert mo kanina ay nag-research ako at nalaman kong may first love ka nga at sinabi mo pa sa profile mo na sya ang gusto mong pakasalan in the future. T^T


Huhuhu...sobrang sakit!!! Pero sige oppa, tatanggapin ko nalang ang katotohanan na may nauna ng babae sa buhay mo. Pero bakit masakit parin???!! WAE??!


Pero oppa, sya ba ang dahilan kaya nalulungkot ka ha?


Wag kang mag-alala oppa, kapag ako ang naging girlfriend mo ay never kitang paiiyakin! Promise yan! Lagi kitang pangingitiin at pasasayahin para sa susunod na mga concerts mo ay puro masasayang lovesongs lang ang kakantahin mo para sa amin! SO PLEASE NOTICE ME NA OKAY?! ATSAKA BAKIT HINDI KA TUMITINGIN SA AKIN KANINA HA?! HAAAAAYYY...OPPPPAAA...! PLEASE NOTICE ME NA!!!


Di bale, sasama ako bukas sa mga fans mo na maghahatid sayo sa airport pauwi ng Korea kaya this time, sana mapansin mo na ako. Magsusuot ako ng bunny ears na headband para mapansin mo ako kaagad, so notice me okay?^___^


I love you oppa at hintayin mo ako sa airport okay? Saranghae!

Love,

Summer



End of Blog Post.


4 comments for this post:


Cheska_Dee: STOP. PUTTING.THIS. INTO. MY. NEWSFEED.

Summer: @Cheska_Dee: BESHIE!!!SAMA KA SA AIRPORT BUKAS! IHATID NATIN SI OPPA! Atsaka masaya namang basahin ang blog ko diba? Diba? Diba? Diba? *0*

Cheska_Dee:The user has logged off.

Summer: T_____T



****************************

Summer's POV:


"WHAT?! NAKAUWI NA SI OPPA?!" ang narinig kong sigaw ng isang fangirl na kasama kong nakaabang sa may airport.

Natigalgal ako sa narinig kong yun kaya agad akong napatayo mula sa pagkakaupo mula sa sahig at mabilis na naglakad papunta sa kanila.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon