Blog Post 17.1

2.6K 168 64
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #17.1

Dear Kim Taehyung,

One Galaxy.

Eight planets.

One Earth.

Seven Continents.

One hundred, ninety-three countries.

Seven Billion People.

Sa lawak ng mundong ito.

Sa dami ng kontinente, sa dami ng bansa, at sa dami ng tao sa buong mundo, may chance kaya talagang...malaman mong...nag-i-exist ang isang katulad ko?

Naalala kong sinimulan kong gawin ang blog na 'to a few months ago hoping na mabasa mo 'to at malaman mong nag-i-exist ako.

O sige na, magpapakilala ako uli sa'yo dahil baka sakaling ngayon mo lang mababasa ang post ko ngayong araw na 'to.

Ako si Summer Morillo, seventeen years old, at nag-aaral sa Seoul School of Arts. Schoolmate mo nga ako eh pero siguro ganun na talaga ang mga sikat. Sino ba naman ang isang ordinaryong estudyanteng katulad ko para makilala ng isang idol na katulad mo. Nakikita ko nga na ang kinakausap mo lang at ang kinakaibigan mo lang ay ang mga katulad mo ring idols na nag-aaral din sa school natin. Ang isang ordinaryong estudyante na nakapasok lang through audition sa school natin na katulad ko ay walang karapatan na lumapit at makipag-usap sa isang idol na katulad mo.

Oo. Schoolmate mo ako.

Nag-transfer ako sa school ninyo dahil nagbabakasakali akong malaman mong nag-i-exist ako. Na malaman mo na ang isang ordinaryong babaing katulad ko ay sobrang nagmamahal sayo at baka nga mapansin mo ako.

Simula nang makilala kita ay iisa lang ang naging pangarap ko sa buhay. At iyon ay ang MAPANSIN AKO NI KIM TAEHYUNG. ANG MALAMAN NYANG NAG-I-EXIST ANG ISANG BABAING NAGNGANGALANG SUMMER SA MUNDONG ITO. At mahal na mahal kita kahit na hindi mo ako nakikita o kahit na nakikita mo naman ako minsan ay hindi mo naman ako pinapansin.

Isa ako sa mga fans mo na humahawak ng fanlights sa tuwing may concert kayo at isa ako sa mga fans mo na patiently na naghihintay ng BTS Bombs sa Youtube. Isa ako sa mga fans mo na napapaos sa sobrang tili sa tuwing may stage kayo at isa ako sa mga fans mo na sumasali sa fanwars kapag may sinasabi silang nakaka-offend tungkol sayo.

KIM TAEHYUNG OPPA! PLEASE NOTICE ME!!! PPPLLLLEAAASSSEEE!!! OO! ALAM KONG ALIEN KA BUT PLEASE NOTICE ME!!!

Yan lang ang hinihiling ko!!!

Pero...tama sila.

Isa lang akong ordinaryong babae. At malabong makita mo ako at magustuhan. Ni hindi nga ako kasali sa mga top students na umaakyat sa stage sa tuwing recognition eh. I'm not even beuatifull. Oo. Hindi ako maganda. Ang maipagmamayabang ko nalang siguro sayo ay ang boses ko. Oo, ikaw ang insperation ko para mas galingan ang pagkanta ko...pero...everything is put into the garbage dahil hindi mo naman ako nakikita. Hindi din ako matalino. Ako nga ang pinaka-bopols sa buong klase natin eh.

At I'm sorry oppa, pero...napagpasyahan kong itigil na ang blog na 'to. Baka nga ito na ang last post ko eh. Haha, oo oppa. I'm giving up na. Tanggap ko na sa sarili ko na never mo na akong mapapansin. Na never mo ng makikita ang blog na 'to. At never mo naring mababasa ang mga pinagsusulat ko para sayo.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon