Blog Post #12

2.8K 152 65
                                    

AN: Hi girls! May nakita na akong portrayer ni Summer! Haha, sya si Lee Eunji. Isang syang ulzzang at ang cute nya diba? Kung gusto nyo syang makita ay makikita nyo sya sa bagong cover. Hihi. Baka next time ko na kasi mailagay ang mga pictures nya dito. Thank you kay baby MigiJhaine para sa mahabang list ng suggestions! Haha, naloka ako sa beauty nilang lahat girl. Haha pero sa tingin ko ay si Lee Eunji talaga ang babagay sa character ni Summer. Thank you uli. mwa. Thank you din pala sa ibang nagbigay ng suggestions! God bless everyone! Mwa. <3





Dear Kim Taehyung

Blog Post #12


Dear Kim Taehyung,



Oppa! Hindi ako nakikipag-date kay Taewon oppa! Maniwala ka sa akin!

Kahit na alam kong hindi mo naman mababasa ito ay magpapaliwanag parin ako. Walang namamagitan sa aming dalawa kahit na inamin nyang...uh...kahit na inamin nyang...uh ano...na...na gusto nya ako! Oo oppa! Wag kang mag-alala! Ikaw lang ang nag-iisang mahal ko!

Hayyy...

Pero para namang may pakialam ka. Hindi mo nga naman ako kilala. Hindi ko nga alam kung alam mo ang pangalan ko eh.*sigh* Atsaka isa pa...pinoproblema ko parin kung saan ako maghahanap ng part time job para makabili ako ng ticket para sa concert mo oppa. Huhuhu...ang dami kong problema pero kakayanin ko ang lahat ng ito para sayo oppa.

Saranghae! <3


Love,

Summer



End of Blog Post.


2 Comments for this Post:


Cheska_Dee: May new pictures si Taehyung sa akin.

Summer: @Cheska_Dee: Talaga beshie?! Sige...! BIBILHIN KO LAHAT!!! *0*


*************************

BTS Apartment:

"Jin hyung! Hinahamon kita sa isang duelo!" ang sigaw ni Jimin sa gitna ng kusina nung umagang iyon habang nakasuot sya ng boxing gloves.

Nanduon din sina Suga, J-hope, at Rapmon na busy sa pagkakape at pag-uusap tungkol sa ibang bagay.

Samantalang napalingon naman sa kanya ang busy sa pagluluto na si Jin.

"Aiiishh...ang aga-aga..." ang iritableng sagot ni Jin saka bumalik sa pagluluto.

Namumula namang sumigaw si Jimin.

"Hinahamon nga kita sa isang man-to-man duel hyung para sa kamay ng aking sugarcoatedcakeicecreamsweetvanillapie bebe!" ang sigaw parin ni Jimin.

Doon naman napalingon sa kanya si Suga at kunot-noong nagsalita.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon