Blog Post #17.2

2.2K 155 72
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post 17.2


Summer's POV:



Hayyy...

Matapos kaming mag-usap ni Taehyung oppa noong isang araw ay hindi ko na sya nakita uli.

Ni hindi na nga sya pumasok nung araw na yun eh.

At mag-iisang linggo narin syang hindi pumapasok.

Hmmp...ano kaya ang nangyari kay oppa? May sakit kaya sya kaya hindi ko na sya nakikita uli?

Hayyy...nag-aalala talaga ako sa kanya. Pero baka naman busy sya sa schedule nya kaya hindi na sya nakakapasok?

Ahhh...tama, tama. Baka nga busy lang sya kaya hindi sya nakakapasok. Pero nakaka-miss din pala si oppa lalo na't nasanay akong nandyan lang sya lagi sa paligid.

At hindi lang pala si Taehyung oppa ang hindi ko na nakikita.

Pati si V-rose ay hindi ko narin nakikita eh.

Nagpunta ako sa kabilang side ng building kung saan ko sya laging nakikitang pumapasok pero wala din sya. Nakakapanibago na talaga.

Hayyy...paano ko ba masasabi feelings ko sa kanya ha kung hindi ko naman sya nakikita? Hayyy...

Naipatong ko nalang ang baba ko sa desk ko at napahinga uli ng malalim.

V-rose...nasaan ka na ba ha?




BTS Apartment:


"Oy, ano yang ginagawa ni Taehyung ha?" ang tanong ni Suga habang nakatakip ang dyaryo sa mukha nya at pasikretong nakatingin kay Taehyung na mag-isang nakatayo sa loob ng kusina.

Magkasama silang dalawa ni J-hope sa sala noon habang pasikretong nakatingin sa ginagawa ng tulalang dongsaeng nila.

Ilang araw narin nilang minamanmanan si Taehyung na mag-iisang linggo ng laging tulala at laging wala sa sarili. Bihira nalang din itong lumabas ng kwarto nito at wala na itong kinakausap sa kanila.

Tinatanong naman nila ito kung ano ang problema nito pero hindi ito sumasagot at nag-a-act ito na parang hindi sila nag-i-exist.

Kaya ngayon, ang tanging nagagawa nalang nilang mga hyung ay ang manmanan ito ng tahimik dahil sa ilang araw na tulala ito at hindi nagsasalita ay hindi iisang beses itong gumawa ng mga nakakatakot na bagay. Katulad nalang ng nakikita nilang dalawa ngayon.

"Ah...ibinubuhos nya yung soy sauce sa baso?" ang unsure na sabi ni J-hope.

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Suga.

"At bakit naman nya--teka, ano na naman yang ibinubuhos nya sa baso nya ha?" si Suga.

"Asin ata hyung eh..." ang bulong naman ni J-hope. "Nilalagyan nya ng asin yung soy sauce na inilagay nya sa baso..."

Agad na kumunot ang noo ni Suga.

"Hindi maganda ang kutob ko dito eh" ang kinakabahan ng sabi ni Suga. "Pakiramdam ko may balak syang--"

"HYUNG!!! IINUMIN NYA YUNG BASO!!!" ang nanghintatakutang naisigaw ni J-hope bago sya naunang tumayo at tumakbo papunta sa kusina.

Agad namang sumunod din sa kanya si Suga at sabay pa nilang pinigilan ang kamay ni Taehyung na nakahawak sa baso at iinumin na sana nya ang soy sauce na nakalagay doon.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon