Dear Kim Taehyung
Blog Post #9
Dear Kim Taehyung,
Oppa, ang weird lang talaga eh.
Bakit naging classmate kita sa lahat ng subjects ko? Hindi ko kasi talaga ini-expect na magiging classmate kita kaya na-shock talaga ako nang makita kita sa lahat ng klase ko. Pero kahit na weird ang bagay na yun ay masaya parin akong makita ka oppa! ^0^
Kahit na hindi mo naman ako pinapansin~~kagaya nalang nung nahulog ang mga gamit ko pero tinignan mo lang ako at tumalon ka lang sa mga nagkalat na gamit ko. Hayy...nakakalungkot naman yun.
Pero...
Tama! Kailangan ko ng gumawa ng paraan para mapansin mo ako! Wahehehehe~~humanda ka oppa! Mapapansin mo na ako sa binabalak kong gawin! Hihihihihi!
Saranghae oppa and please notice me na, okay?
Love,
Summer
End of Blog Post.
4 Comments for this Post:
Cheska_Dee: Ang tanga mo.
Summer:@Cheska_Dee: Oo na beshie~~! Alam kong tanga ako! Wag mo namang ikalat sa blog ko! T^T
Cheska_Dee: @Summer: Ang dali-dali mo kasing mapaniwala kaya bahala ka na sa buhay mo.
Summer: @Cheska_Dee: Ha? Ano bang ibig sabihin nun beshie ha? *3*
***************************
SUMMER'S POV:
"Gusto mong bumili?" ang tanong ni beshie saka nya itinapon sa harapan ko ang mga pictures na yun.
Nasa loob kami ngayon ng kwarto namin at naghahanda para sa school.
Napatingin naman ako sa mga pictures na nanduon at agad na kuminang ang mga mata ko nang makitang si Taehyung oppa ang lahat ng nanduon! *0*
"WAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!" ang tili ko saka pinulot lahat yun at tinignan isa-isa.
Pero agad ding nagsalubong ang kilay ko nang may na-realize ako.
"Beshie..." ang sambit ko habang tinitignan parin ang mga yun. "Bakit parang nakaharap si Taehyung oppa sa lahat ng pictures na 'to ha? Yun bang parang alam nyang kinukunan mo sya? Hindi katulad nung ibang pictures mo ng ibang idols na nakatingin sila sa ibang direksyon..."

BINABASA MO ANG
Dear Kim Taehyung [V]
FanfictionBULLETPROOF BOYSCOUTS SERIES [V]. [TAGALOG] Once upon a time, an alien with the name of Kim Taehyung landed into my life. He invaded my whole world and I'm not even prepared about it. Summer Morillo has nothing but only one dream and that is: TO BE...