Blog Post #13

2.6K 152 47
                                        

Dear Kim Taehyung

Blogpost #13


Dear Kim Taehyung,

Yehey!!!

May nahanap na akong part-time job oppa!

Simula bukas ay mag-i-start na akong mag-trabaho as a waitress sa café ng kaibigan ng ate ko! Hayyy...excited na tuloy ako. Pumayag yung kaibigan ng ate ko na sa tuwing hapun lang ako magtrabaho doon. Ang saya oppa diba? Sana makapunta ka doon! Uh...Coffee ang pangalan ng café na yun at malapit lang yun sa school. Ang ganda ng pangalan diba? Halatang ilang taong pinag-isipan ang pangalan nya! *0*

At sya nga pala oppa, bakit ka ba nakisali na mambully sa akin ha? Nasaktan talaga ako sa ginawa mo na yun pero okay lang. Mahal parin kita oppa kahit na sinabi sa akin ni V-rose na masama daw ang ugali mo. Mabait ka naman oppa diba? Diba? Diba? Diba? Diba?

And speaking of V-rose...uh...may weird lang akong nararamdaman sa kanya oppa...pero...uh...wag na nga natin pag-usapan yun! Hihihi...basta! Ikaw lang ang nag-iisang love ko oppa!

Saranghae! <3



Love,

Summer


End of Blog Post.


2 Comments for this Post:


Cheska_Dee: Wala na akong ibang masasabi pa kundi goodluck nalang sa café ng kaibigan ng ate mo.

Summer: @Cheska_Dee: Hmmmp...pero bakit naman beshie? *3*


************************


Summer's POV:

"Good morning!" ang nakangiting biglang sulpot ni Taewon oppa sa harapan ko nung umagang iyon.

Napakurap naman ako at alanganing napangiti sa kanya.

"A-ah eh...g-goodmorning din oppa..." ang nasabi ko nalang.

Naglalakad kasi ako sa hallway nang bigla nalang syang sumulpot sa harapan ko. At ngayon...napapansin ko na ang nakakatakot na glare ng mga babae sa paligid... T^T

He gave me that sweet smile.

"Pupunta na sana ako sa next class ko pero naisipan kong daanan ka dito" ang nakangiting sabi nya.

Napababa naman ako ng tingin dahil sa totoo lang ay na-o-awkward parin ako sa kanya...T^T

"Ah eh...bakit mo ba ako dinaanan dito oppa?" ang hindi ko makatinging sagot.

Eh kasi nahihiya parin ako sa mga nabasa nya na pinagsasabi ko sa loveletter na supposedly ay kay Taehyung oppa. Nakakahiya kaya yun...T^T

Ngumiti lang sya at nabigla pa ako ng ilahad nya sa harapan ko ang cellphone nya.

"Hihingiin ko lang sana ang number mo kung okay lang" ^____^ ang nakangiting sabi nya.

I blink.

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon