Blog Post #17.3

2.8K 169 61
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #17.3

Next Day...



Summer's POV:




Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kung bakit ganun ang naging trato sa akin ni V-rose.

May nagawa ba akong mali sa kanya ha?

Nasaktan ko kaya ang feelings nya kaya ayaw na nya akong maging kaibigan?

Pero wala naman akong naalala na nagawa kong mali sa kanya para tratuhin nya ako ng ganun ah.

Waaaaaaaaaahhhhh...!!!

Paano na 'to ha?! Paano ko pa masasabi kay V-rose ang feelings ko kung ayaw na nya akong maging kaibigan?

*sigh*

Nasa loob na pala ako ng classroom namin at katatapos lang ng first subject namin sa umagang ito.

Saka ako napatingin sa paligid.

Wala parin si Taehyung oppa.

Hmp?

Ano kayang nangyari kay oppa at hindi na talaga sya pumapasok ha?

"Hay...wala na naman si Taehyung" ang narinig kong sabi ng isang classmate kong babae habang nagkukumpulan sila sa isang sulok. "Ganyan siguro talaga pag idol. Papasok lang sila kung kailan nila gusto dahil special treatment sila sa school na 'to"

Agad akong napaayos ng upo nang dahil sa narinig ko.

Teka, pinag-uusapan ba nila si Taehyung oppa ha?

"Yeah, right. Ganyan naman talaga kapag kpop idol. Walang interes sa pag-aaral at puro pasikat lang ang alam" ang sabi naman ng isa.

Doon na ako napalingon sa kanila pero nanatili silang nag-uusap kaya hindi nila ako makita na nakatingin sa kanila.

Teka, mga anti-kpop ba ang mga ito ha?

"Yan lang naman talaga ang mayroon sa mga kpop idols na yan eh. Wala silang pakialam sa feelings ng mga fans nila. Wala silang pakialam sa love ng fans nila. All that matters to them is fame and money" ang sabi pa ng isa.

Doon na ako mabilis na tumayo at pinulot ko ang papel ko at ini-crumple yun bago ko itinapon sa mukha nung huling nagsalita.

Agad naman silang napatingin sa akin at galit na nagsalita.

"Ouch! What is your problem?!" ang sigaw nung tinapunan ko ng papel.

Pero doon na ako nag-cross arms at naniningkit pa ang mga mata kong nag-marcha papunta sa kanila.

At nakita kong napakurap pa sila nang tumayo na ako sa harapan nila.

"Wag kayong magsalita na parang alam nyo ang lahat!" ang sigaw ko sa kanilang lahat dahilan para matahimik sila. "Alam kong hindi alam ng mga idols namin na nag-i-exist kami at siguro nga tama ka na hindi nila alam kung gaano namin sila kamahal pero kahit na wala silang alam sa nararamdaman namin ay hindi ibig sabihin nun ay titigil na kaming suportahan ang mga idols namin!"

I saw one of them smirk saka sya nagsalita.

"Oh, so you're one of those kpop idol fans--"

"Eh ano ngayon?" ang lingon ko naman sa kanya. "P-para sa akin...hindi ginawa ang idols para may tilian kami at may pag-gagastuhan lang kami. Pero ginawa sila para magkaroon kami ng inspirasyon sa buhay na mas pagbutihin pa ang mga buhay namin. Sila ang dahilan kaya nagiging masaya kami at sila ang nagiging takbuhan namin kapag nalulungkot o nasasaktan kami. Minsan...sila ang...sila ang dahilan kaya may pangarap kami...ang mga non-fans na katulad ninyo ay hindi maiintindihan ang nararamdaman ng mga fans na katulad ko kaya wag kayong magsalita na parang alam ninyo ang lahat!"

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon