Dear Summer Morillo

3.3K 174 132
                                    

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

Dear Kim Taehyung's Blog

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^





Dear Summer Morillo,





Roses are red.

Grasses are green.

Sky is blue.

Han river is brown.

Min Yoongi is white.

Pero wala namang connect ang mga bagay na yan sa gusto kong sabihin sayo ngayon...

Atsaka sorry din kung pinakialaman ko ang blog na ginawa mo para sa akin at ako ngayon ang magsusulat ng post para sayo.

May gusto lang talaga akong sabihin sayo at sa tingin ko dito ko nalang sasabihin ang mga yun kaya sana...mabasa mo ito okay?





"Oppa! Humanda ka! Tatalunin kita!!!" ang sigaw nya habang idini-dribble ang bola na nasa kamay nya.

Oo, nasa basketball court kami ngayon na katabi ng apartment namin at naglalaro kami ng basketball nung umagang iyon.



Gusto ko lang sabihin sayo na ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo dahil dumating ka sa buhay ko...



I smirk.

"Kahit na mahal kita ay hindi kita pagbibigyan!" ang sigaw ko naman habang nasa harapan ako ng ring.

"Hmp! Humanda ka oppa!" ang mayabang na sabi naman nya. "Nandito na ako!"

Saka sya tumakbo papunta sa akin habang idini-dribble ang bola. Agad ko naman syang hinarangan pero nag-act ako na kunyari ay natumba ako at napahiga sa sahig ng court.

"Ah! Natumba ako! Oh hinnnnndddddiiii...! Makaka-score na sya!!" ang act ko habang nakataas ang kamay ko at kunyari ay inaabot ko sya.

At doon na nga nya na-shoot ang bola.



Ikaw ang nagpa-realize sa akin kung bakit hindi ako para sa ibang babae....



"Oh hindi...!!! Talo na ako!!!" ang kunyari ay hindi ko matanggap na sigaw at dumapa pa ako sa court at pinagsusuntok-suntok ang semento.

"Hmp! Nakita mo yun oppa?!" ang mayabang na lingon naman nya sa akin habang naka-cross arms pa sya. "Mas magaling talaga akong mag-basketball sayo! BWAHAHAHAHAHAHA!"

Nilingon ko naman sya habang nakaupo parin ako sa sahig.

"Hayy...ang galing-galing talaga ng girlfriend kong maglaro ng basketball. Kailan kaya ako mananalo sayo ha?" ang kunyari ay reklamo ko.

Yes. We've been dating for one month now. At one month ko narin syang pinagbibigyan sa paglalaro ng basketball.



Ikaw ang nagpa-realize sa akin kung bakit hindi ako para sa taga-Earth...



Nilapitan naman nya ako at hinimas-himas ang buhok ko.

"Hayyy kawawa ka naman oppa..." ang sabi pa nya saka sya naupo sa tabi ko. "Kawawa ka naman kasi hindi ka marunong maglaro ng basketball. Pero wag kang mag-alala oppa, konting practice lang ay baka matalo mo na ako sa sunod na match natin!" ^0^

Tinignan ko naman ang magandang mukha nya.

"Talaga?" ang kunyari ay paawa effect ko. "Sa tingin mo...matatalo na kita sa sunod?"

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon