Blog Post #16.1

2.2K 149 73
                                    

Dear Kim Taehyung

Blog Post #16.1


Dear Kim Taehyung,


Oppa.

Bakit mo ba nasabi sa akin yun ha?

Sa sobrang sakit ng sinabi mo sa akin kanina ay hindi ako makapag-isip ng sasabihin ko sa blog post ko ngayon.

At hindi ko narin alam oppa kung hanggang kailan ko matitiis ang sakit na 'to.

Pero mahal parin kita oppa. Mahal kita kahit na wala na atang pag-asa na mahalin mo rin ako pabalik.

Saranghae. <3



Love,

Summer


End of Blog Post.


5 Comments for this Post:


Cheska_Dee: Nagkita ba kayo kanina sa backstage?

Summer: @Cheska_Dee: Oo beshie. Nagkita kami ni Taewon oppa.

Cheska_Dee: @Summer: Si Taewon? Si Taewon ang nagpakita sayo sa backstage?

Summer:@Cheska_Dee: Oo beshie. Bakit?

Cheska_Dee: @Summer: Pero hindi sya ang...wala. Bahala kayong dalawa. Ako ang napapagod sa inyo.



******************************



Taehyung's POV:



"Ayun na eh. Sasabihin ko na sana sa kanya sa backstage. Binayaran ko pa ang bestfriend nya at binigyan ko pa silang dalawa ng ticket para sa concert. Pero yun lang pala ang gagawin nya? Makikipag-date pa sya sa iba? At sa concert ko pa ha! Sa concert ko pa! Diba nakakabwisit yun?!" ang sigaw ko sa gitna ng sala ni Snow.

Oo, matapos ang nangyaring yun ay dito ako sa apartment ni Snow dumiretso para ilabas ang sama ng loob ko. At kahit na malalim na ang gabi at halatang nagising ko sya sa mahimbing na tulog nya dahil naka-pajama pa sya ngayon ay kinausap parin nya ako dito sa sala nya.

Narinig kong binuhusan nya ng tsaa ang baso na nasa harapan ko saka sya huminga ng malalim.

"Alam mo Tae..." ang simula nya saka nya ibinaba ang tsaa sa mesa at naupo sa tabi ko. "Mas lalo mo kasing pinapa-kumplikado eh...kung sinabi mo nalang sana kaagad--"

"Yun na nga eh! Sasabihin ko na sa kanya sa backstage Snow! Pero nadatnan ko nalang syang nakikipagyakapan na naman sa lalaking yun! At akala nya hindi ko nakita ang paghalik nung Taewon na yun sa noo nya during concert?! At sa harapan ko pa ha! Sa harapan ko pa Snow!"

Napahinga sya uli ng malalim.

"Then anong ikinagagalit mo ngayon?" ang tanong nya. "Alam mo Tae, hangga't sa hindi nya nalalaman na mahal mo sya ay hindi nya rin malalaman na nasasaktan ka nya. So bear with it. At ang sabi mo ay nabasa mo sa last blog post nya na may nagugustuhan na syang iba? Hindi naman malayong mangyari yun eh dahil lagi syang itinutulak papalayo ng lalaking mahal nya. Kaya sa iba sya napapalapit at hindi sayo"

Dear Kim Taehyung [V]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon