Chapter 34: Superman

17 1 0
                                    

"Mag-iingat kayo dito ha. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo" Malungkot na niyakap ako ni inay. Ngayon araw na kase silang aalis ni uncle kaya ngayon din ang ang flight nila papuntang japan.

"Opo nay, nandito naman po si Chang kaya baka matulungan nya rin ako kay yuan."

Tumango sya sakin at ilang oras na lang din ay aalis na sila. Alas singko pa lang naman ng hapon pero kailangan na nilang bumyahe dahil alas syete ng gabi ang alis ng eroplanong sasakyan nila.

Napasulyap ako kay Gerald na busangot na naman ang mukha, pero nung napansin nyang nakatingin ako ay bigla syang ngumiti sakin. Naalala ko sa kanya si Kuya Caloy. Mukha kasing magka-edad lang sila. Parehas din sila ng tangkad. Nga lang si Gerald ay Chinito, maputi, matangos ang ilong nya, have a thin red lips, Oo gwapo sya pero diko sya gusto. Parang Kuya ko pa nga sya eh. Baka nga nasa 20's din ang edad nito, kaya nung una pa lang alam ko ng hindi sya iteresado sakin.

Umiyak si Yuan ng umalis ang parents nya. Gusto ko syang aluin kaso tinataboy nya ako. Lalapit pa nga lang ako sa kanya masama na ang tingin nya sakin. Ang sabi sakin ni inay baka aabot sila ng 1month don or baka 3weeks lang. Lumapit si chang kay Yuan at sya na ang nag-alo don. Akala ko itataboy nya si chang katulad ng ginawa nya sakin kanina pero hindi. Hinayaan nya lang na yumakap ang matanda sa kanya. Good thing at  nandito si Chang hindi ako mahirapan pa.

Pagkatapos magpaaalam ng mag- asawa ay  pumasok na rin sa loob ng kwarto nya si Yuan. Hindi ko na rin sya inabala pa at baka magalit pa sya sakin.

Kinabukasan maaga akong nagising at naligo na ako agad. Baka kase gustong magpa tutor ng kapatid ko at kahit papano malinis akong tingnan. Bumaba ako at pumunta akong kusina. Si Chang lang ang naabutan ko don na naghuhugas ng plato. Naka-hain na rin ang pagkain sa mesa at ang mga plato. Si yuan ata tulog pa kaya? Gusto ko syang katukin sa kwarto nya kaya lang baka magalit na naman yun sakin. Or antayin ko na lang syang bumaba dito at sa salas na lang muna ako habang wala pa sya.

Nakita kong naglilinis si Agnes sa labas, nagwawalis. Tinanong kona rin sila Chang kung kumain naba sila ni Agnes, kaso mamaya pa daw sila kakain since maaga pa naman daw. I let them sa ginagawa nila at baka mamaya hahanap din akonng matrabaho ko ng sa ganun ay may maitulong ako dito sa bahay na ito. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko muna yon at hinugasan.

Naghanap ako ng band paper, ballpen at pencil in case na turuan ko si yuan. Oo, parang grade student lang itong tuturuan ko kaya baka keri ko din? I hope so. Kumuha na rin ako ng libro na English at pang Pilipino din. Alam kong fluent na sya sa English pero kailangan ko parin masiguro na makakabasa sya ng Tagalog.

Tiningnan ko ang oras at half an hour na ng 8 o'clock. Medyo naiinip na ako sa kakahintay pero keri pa naman. Baka pag sumuko ako babalik ang galit sakin ni Mr. Yuen Chua sakin. Sabi nga nya babayaran nya ako kapag may natutunan ang anak nya sakin. Eh pano kung wala? Edi wala rin akong sweldo sa kanya. Di naman ako magpapabayad kaya lang sayang din yun kung sakaling bibigyan nya ako. Maiipon ko yun if ever na may mapupuntahan akong lugar. Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng yabag pababa ng hagdan. Im sure ang kapatid kong hilaw ang bababa ngayon. Umayos ako ng upo at di nga ako nagkamali.

Masama syang tumingin sakin kaya nginitian ko na lang sya ng pagka tamis tamis, tipong di sya maasar sakin. Kaso ako ata ang maasar sa kanya pagkatapos nya akong irapan. Tumalikod na sya sakin at don ako napasimangot. Ang suplado naman ng batang to! Umupo sya sa tapat ng lamesa at nagsimula na syang kumain. Walang tubig at baso sa harapan nya kaya ako na lang ang tumayo para kunin iyon. Dumeritso ako sa kusina at kinuha kay Chang ang tubig at ng baso na dapat sya na ang bibigay. Natuwa naman si chang sa ginawa ko at baka ito na daw ang simula ng pagkamabutihan namin.

Nung nakita nya akong dala dala ang tubig at baso at agad naman akong ngumiti sa kanya. Snob  parin syang tumingin sakin kaya kaya hinayaan ko na lang iyon.

When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon