Chapter 26: Leaving

31 3 0
                                    

Yanna POV:

I woke up early in the mornin,
para makapag prepare  na rin sa pagpasok ng school. Its already 6 na rin naman kaya naligo at nagbihis na ako pagkatapos.

Dina ako nag-atubiling magluto ng kakainin nila at dumiretso na akong lumabas ng bahay. Alam kong pagagalitan nila ako dahil  hindi ako nag luto ng breakfast ngayon. Ayoko rin naman kumain kaya damay-damay na rin to. Si Mama na lang siguro ang magluluto sa kanila  kung sakali.

Sumakay na ako ng tricycle  at ilang minuto lang ay nakarating naman ako agad. Masyado pa nga atang  maaga at kukonti pa lang  yung mga istudyanteng nandito ngayon. Buti na lang  at may naisantabi akong pera at  kahit papaano ay may mabibili pa naman akong pagkain' para mamaya. Dina ako mag-aagahan at baka mamayang tanghali na lang ako kakain.

Bumalik na naman yung ala-ala ko tungkol don sa nangyare samin ni Mama nung sabado. Kung paano sya magalit sakin. Meron siguro talaga  akong kasalanan na hindi ko alam. Pilit kung iniisip yon ng mabuti kung meron nga ba? Kase  sa pagkaka-alam ko wala naman e. Lahat naman ng utos ni Mama  ginagawa kona. Dina rin ako masyado  nakikipag talo kila kuya at umiiwas na rin ako kay jeigo.  So panong galit na galit sakin si Mama, eh' wala naman talaga  akong kasalanan? Sa pagkaka tanda ko nga naghugas din  naman ako ng plato  at naglaba rin naman ako ng mga damit nung linggo. Hays! Bat ba kase pa iba-iba-iba ugali ni Mama?

"Huy!!"

Palibhasa kase may idad na kaya kung ano- ano na lang  ang iniisip nya at--

"Yanna!! Booo!"

"Nakakagulat ka naman!"

"Ang aga-aga kase tulala ka dyan. Dimo tuloy  ako napapansin." Napairap ako kay Antony. Oo si Antony lang naman yung nangulat sakin ng diko namamalayan.

"Eh bakit ba? Iniisip ko lang  yung kukunin kung kurso pagdating ng college ko."

Ayan. Magsinungaling ka lang yanna maganda yan.

"Eh may napili kana ba?" Napaisip naman ako don agad. Wala pa nga e. Diko pa lubos maisip kung ano nga ba ang kukunin ko.

"Hindi pa nga  e."


"Mahirap yan kung ganun. Dapat ngayon pa lang, mag-isip kana ng kukunin mo or kahit sa skills mona lang  madiskubre ang talent mo. Mas magandang planado ang lahat para  alam mona kung ano ang gagawin  mo." Napakamot ako sa ulo ko.  May tama naman si Antony kaso, kahit ako nawala yun sa isipan ko.

"Oum sige. Kaya ko nga pinag iisipan eh. Pero ikaw  may naisip kana ba sa kukunin  mong  kurso?" Napatingin ako sa kanya. Nag iwas sya ng tingin sakin at inayos nya ang strap ng bag nya.

"Uh-- O-oo! May napili  na nga ako eh.  Pero si Papa kase ang pumili nun para sakin."

"Ano?"

"Maging sundalo,"

"Maging sundalo?!"

Medyo napalakas ang sabi ko' nun sa kanya, tumingin-tingin  ako agad sa paligid baka may mga istudyanteng nakarinig.  Buti na lang  wala  pa masyadong tao kaya safe! Pero tingin ko may  nakarinig  parin nun. Tsaka wala  naman masama sa pagiging sundalo diba? Sa katunayan nga matatapang nga ang mga taong ganun e.

"Buti naman at pumayag ka? sundalo talaga  ang kukunin mong kurso?"

"Nope, actually napilitan lang ako e. Ayoko rin naman magsundalo."

Hah!? Ano napilitan sya? Eh bat pa nya tinangap diba kung ayaw naman?

"Alam kung nagtataka ka kung bakit ako pumayag noe?"  Dahan-dahan naman akong tumango habang naglalakad kaming dalawa.

When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon