-- Iyanna POV:
Matapos ang dalawang subject namin sa pang umaga. Nagsilabasan na ang ibang kaklase ko at naiwan kaming dalawa na choie sa room.
Lumapit ako sa kanya at nagbuntong hininga muna ako bago ko sya kausapin..
"Ah.. amp!! Cho--"
"Bakit ngayon ka lang pumasok? San ka nagpunta halos ?mag one week ka ng nawala? Alam mo bang?--"
"Choie.. kakausapin naman talaga kita may sasabihin din naman talaga ako sayo ee."
"Hinahanap ka ng mga kuya mo sakin. Akala ko nung nasa clinic kana naka uwe ka ng maayos. Pero pati ako hindi ko alam kung saan ka nagpunta. Hindi ko alam kung san ka nakikituloy or kumakain ka pa ba. Alam mo yung masakit minsan yung hindi ikaw ang unang pinagsasabihan ng kaibigan mo. Pasensya na pero kasi ilang araw ka ding nawala at hinanap din kita."
"S-sorry na choie.. eh! Diko naman kasi alam na mag alala ka sakin tsaka isa pa ayos naman na ako. May isang tao kasi na tinulungan ako at naging kaibigan kona rin sya.. maayos yung trato nya don sakin choie.. mabait din kagaya mo.--"
"Yanna hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo. Halos dina nga ako nakakatulog sa kakaisip sayo tapos ito lang sasabihin mo sakin na okay ka lang pala. Na may ibang tumulong sayo? Yung mga kuya mo lagi kang hinahanap sakin.. pati sila hinahanap ka. Ako pa kaya na kaibigan mo lang--"
"Kaya nga sorry na choie kung nag alala ka sakin. Sana kasi hindi mo na lang ako inisip. At sorry kung nadamay ka nila sa pag hahanap sakin. Pwedi mo naman kasing isipin na okay lang ako. Na maayos lang kalagayan ko. Naiintindihan ko kung bat ka galit sakin ngayon. Pero sana naman maintindihan mo rin ako kung bat hindi na ako bumalik nung time na yon sa bahay namin.. sana maintindihan moko kahit ngayon lang."
Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis na ako palabas ng room namin. Nag eexpect pa naman ako na yayakapin ako ng best friend ko at sasabihing nandito na ako. Kaso hindi yon ang inasahan ko sa kanya kundi sya pa ang nagalit sakin. Isa rin sya sa mga galit sakin. Baka nga pag nakita ako ng mga kuya ko ngayon magagalit din sila sakin..
Dahil nga na sa hindi ako umuwe.alam ko naman na wala silang paki alam sakin ee.. kung totoo ngang hinahanap nila ako.. yon na ata ang pinaka malaking pasalamat ko sa kanila. Kasi kahit papaano naisip pa nila ako. Pero malay koba kung totoo yang sinasabi nila or basta hindi ako naniniwalang hinahanap ako ng mga yon. Tch! Sila concern sakin? abaa.. waw! Eh hindi nga sila pumunta don sa clinic nung time na nakabanga ako sa lamesa.
Buti pa.yung ibang tao kahit hindi nya ako ka ano ano.. nagagawa nyang ituring ako na mas higit pa sa kaibigan kundi parang kapatid na ang turing nya sakin. Naisip ko nga na sana sya na lang yung kapatid at sila na lang yung naging pamilya ko don. Sabagay hindi ko naman masisisi kung sa ganitong pamilya ako napunta. Ito ang binigiy ni god para sakin para sila ang pamilya ko..wala naman akong ibang gawin kundi tangapin yung mga bagay na andito na sa paligid ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Kung sa canteen ako pupunta baka makita lang ako ng mga kuya ko don. So i decide na sa garden na lang ako pupunta. Tutal don walang maingay na kahit sino.. ayokong umiyak na naman, ayokong isipin na mahina na naman ako dahil sa natuklasan ko. gusto kung patunayan sa sarili ko na matapang din naman ako.
BINABASA MO ANG
When Love & Hate Collide (COMPLETE)
Novela JuvenilPaano kung magkabangaan ang dalawang taong ayaw na ayaw sa isat isa? Yung tipong magsisimula sila sa Asaran.. pikunan, awayan at higit sa lahat magkakasundo kaya sila? Oh may mabubuo pa kayang love sa pagitan ng dalawang magkaaway n...