Chapter 22: Comfort

33 3 0
                                    


Iyanna  POV: 


Nasa bahay ako ngayon nila athena. Nakaupo sa kama nya habang  sya hinihintay kong matapos na maligo. Bago mag alas otso ng umaga ay dito na ako pumunta agad.  I explain to her kung bakit hindi  natuloy yung pag alis ko kuno.


Sinabi  ko sa kanya na hindi  ako natuliy don sa balak ko kase, isa pa naawa ako kay Mama  na iyak ng iyak at baka magkasakit pa sya ng dahil sakin. I will stay at home Hindi  dahil alam kona ng labas ako don but for mama's  sake. Ayoko rin naman na may masamang mangyare sa kanya kaya di ako mag rerebelde.



"Ayos ka lang dyan?" Napa-angat ako sa kaibigan kong kakatapos palang maligo. 


"Ayos naman. Okay  pala tong librong pinahiram mo sakin eh. Ang ganda!  Saan mo 'to nabili?"  Tanong ko sa kanya habang pinabasa nya sakin  yung librong pinahiram nya para hindi daw ako mabagot.


"Ah! Sa NBS ko lang  yan binili eh.  Hindi kopa nga nakompleto ang ikalimang yugto nyan. Nasa set 6 kase ang libro  na yan  kaya mahal  din."



Napatango tango ako at binuklat buklat pa ang bawat pahina. Ang ganda. Parang gusto ko na rin bumili ng ganitong  libro.



"I love you since 1892!?"


"Gusto mo yan? Dimo pa ba nabasa yan?" Umiling-iling naman ako agad.



"Hindi pa nga eh. Nasisimulan ko pa lang maganda ba to?"


"Sobraaaa! Sobrang ganda ng story na yan. Maiinlove ka kay Juanito  Alfonso!" Natawa naman ako sa inasta ng kaibigan kona ngiting ngiti  sya, at naka-angat pa ang dalawang kamay sa ere!

"Sino naman yun?!"


"Sya yung bida dyan sa kwento kaso---"  malungkot syang humarap sakin at umupo sa tabi ko.


"Kaso ano!?"



"Kaso hindi sila magkakatuluyan ni carmela."  Nakatulala ang kaibigan ko habang ang layo ng iniisip. Napatingin ako don sa libro! Talaga bang maganda to? Bakit parang ang lungkot ng ending?


"Naku di pala kita pwedeng iispoil dyan. Kung hihiramin mo, ayos lang. Kailangan mo lang  mag handa ng tisyo ha!" 


"Ang weird mo ngayon. Akala ko icocomfort mo ako. Parang ako pa ata mag cocomfort ngayon sayo. HAHAHAHA!" natawa na rin sya sa biro ko.



"Sorry naman. 'eh nadadala kase ako dyan sa kwento. Anyway! Ano? How are you  na? Anong nangyare pala at dika natuloy sa paglalayas mo?"



Napabuntong  hininga ako. Tiniklop ko ang librong hawak ko at nilagay  sa maliit na lamesa nya. Tumingin ako sa kanya pero iniwas ko rin agad ang tingin ko na yun. Pakiramdam ko nahihiya ako sa pagsabi sa kanya ng problema ko. Dapat  pala diko na lang sya ginambala pa. Para wala na syang tanong sakin.



"Ano na!?"



"Eh ano kase, bumawi sakin si Mama kaya hindi ako natuloy sa binabalak ko. Naawa naman ako don kase baka magkaroon pa sya ng sakit dahil sakin. And si kuya caloy pinaliwanag nya rin sakin ang lahat lahat. Mukhang totoo naman kaya naniwala ako." Malungkot kong kwento sa kaibigan ko. Inangat ko ang tingin sa kanya at ngumiti.



"Ano ba yan. Mukhang pati ako nahihirapan  sa sitwasyon mo. Ang softed hearted  mo naman kase eh! Ang bait bait mo parin sa kanila, kahit ang sama  ng ginawa nila sayo. Pero sabagay di kita masisisi kase sa kanila ka naman lumaki."



When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon