Chapter 32: Brother Yuan

25 1 0
                                    

Hindi nga ako nagkamali at nasa katabing lamesa sila umupong apat. Samantalang dalawa naman kami ni Agnes sa kabilang lamesa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or Kakabahan dahil nasa malapit  lang sila sa tabi ko at halos abot kamay ko silang nag-uusap pero hindi ako naki-alam or lumingon man lang sa kanila. Hindi ko rin magawang ngumiti at tahimik ngayon ang bawat sistema ng buong katawan ko.

Nakita ko na sa malayo si Agnes na dala-dala ang order namin pareho. Nakangiti pa syang sumulyap sakin at naglakad na sya, papuntasa kong saan kami.  Sinimangutan ko sya dahil sa tagal nyang nakatayo don.

"Sorry po.. natagalan. Marami daw kase ang omorder kaya pinauna kona." Marami nga. Sa dami mas nauna pang omorder sila kuya kesa samin.

Nilapag nya ang Milkshake sa harapan ko at gusto kong magreklamo sa kinuha nya sakin. Strawberries? I really hate strawberry kase maasim yun sa panlasa ko. Gusto ko ng Chocolate and Cokies sana pero kailangan ko ang acting skills na ito sa ngayon.

"Strawberries na ang kinuha ko para parehas tayo. Kumuha din ako ng Fries at Burger masarap to sa panlasa tikman mo." Nilagay nya sa harapan ko yung Fries at Burger, napatingin na lang ako don at ngumiti ako sa kanya. Hindi ko talaga to gusto, pero wala akong magagawa, kailangan ko to sa ngayon.

Ramdam kona naman ang titig ng nasa kabilang mesa. Parang lahat ng galaw ko ay naka-abang sila sakin.  Hindi ako nagsalita or nagreklamo. Kinuha ko ang Strawberry milkshake ko at sumipsip ako don na kunwari sarap na sarap ako sa kinakain ko, sinabayan kona rin ng fries. Nag-tumb up ako ng 'ok kay Agnes. Ngumiti at pumalakpak naman ang bruha bago sya kumain ng order nya.

Narinig ko ang bawat singhapan ng nasa kabilang lamesa at nakiramdam na rin ako ng bawat galaw nila.

"I think it's not her." Rinig kong sabi ni Kuya Jack.

"Tingin ko rin eh. Hindi yun mahilig kumain ng fries at strawberry. Pero burger okay pa." Si Chloe,

"She's not talking to. Is she is deaf?"

"Try mo kayang tanungin yung kasama nya. Kaya mo?"

Natahimik na naman sila at hindi na nagsalita. Lumingon-lingon ako and my eyes direct to jeigo. Si jeigo na titig na titig sakin. Ngumisi sya sakin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. No. Hindi pwedeng malaman nya na ako yung babaeng hindi nya gusto. Kita ko sa mukha nya na hindi sya convince sa nakikita nya.  Hindi ako mahilig magpangap pero gagalingan ko sa ngayon. Sa sobrang kaba ko ay inubos ko na lang ang Strawberry Milkshake ko pati na ang fries.

Ang alat sa panlasa itong strawberry.

"Nag text nga pala si Ma'am Celia sakin. Hindi ka daw nagrereply?" Kanina kopa yun napapansin na tunog ng tunog ang cellphone ko kaya hinayaan kona lang muna.

"Sabi ni ma'am, ngayon daw dating ng kapatid mo. Kailangan na daw natin umuwe at mag-aayos kapa." Tumango ako at tumayo agad. Pero laking gulat kona nabanga ng inuupuan ko ang likod ni kuya Kiko. Humarap ako sa kanya ng kalmado at ngumiti sa kanila, yumuko ako ng konte at nag-sorry,  Kumunot ang noo nya at malamang na hindi nya naintindihan ang ibig kong sabihin. Dahil parang sign language iyon.

"Ah sorry daw po sabi ng kaibigan ko sa... Inyo. Yun yung ibig-sabihin nya."

Ngumiti ulit ako. But this time tumango ako kay Agnes para maka-alis na kami sa pekeng buhay na ito. O' di kaya magpalamun sa lupa ngayon din.

"Uh- its okay. Is she.. a deaf miss?"

Alam kong tanong iyon. Nagkatinginan kami ni Agnes. Mukhang sya ay natulala din at hindi alam ang isasagot sa harapan ko.

"Uh ano, hindi naman. Nagka tonsil kase itong kaibigan ko kaya malamang na hindi sya makapagsalita. Masakit kase ang lalamunan nito eh."

"May Tonsil? Eh dapat hindi sya uminom or she can't eat some food na malamig kung ganun." Si Jiego yon.

When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon