Ilang buwan din akong nakapag pahinga lang sa bahay. Sa sobrang bagot ko na dito ay gusto ko ng gumala naman kahit papano. Ewan ko ba kung bakit sobrang protective ng mga kuya ko. Buti na lang araw araw din akong binibisita ng mga kaibigan ko dito. kung hindi dahil sa kanila ay baka iiyak na ako dito.
Napag usapan na namin nila Mama ang tungkol kay Nanay Celia. Kakilala ni Mama si Nay Celia nung kabataan pa nila kase madalas sila sila rin daw ang magkakasama nung Highschool pa lang sila, kasama ang biological mother ko na si Celestine.
Cecilia and Celestine ang dalawang kambal na kaibigan ni Mama Martha. Kwento sakin ni Mama ay mas pure daw talaga ang puso ng biological mother ko. She's beautiful and kind at marami daw ang nanliligaw sa kanya nung Highschool. While Cecelia had a devil's side. Madalas daw silang mag away na kambal dahil sa lalaki. Si Mama Martha daw lagi ang taga awat ng kambal, minsan dinadamay pa sya ni Nanay Celia. I ask her kung pano ba nila nakilala si Papa? Sabi nya..
"Transferi ang Papa mo sa skwelahan namin at tamang tama noon na naging classmates pa namin sya. Una nyang nakilala ang biological mother mo. Moreno, Gwapo ang Papa mo nyo nung kasagsagan ng kabataan namin. Lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya. Pero isa lang ang babaeng gusto nya, your biological mother. Alam nya kung paano ang ugali ng kambal. Buti nga eh di sya nalilito sa dalawa. Sila lagi ang nagkaka partner sa quizes. Napapasama naman kami ni Celia sa Canteen noon, Lebri pa nga ng lalaki eh." While nagkukwento si Mama pansin ko ang mga ngiti sa labi nya. Halatang mahal nya rin si Papa. Pero anong nangyare at naging sila?
"Pano po kayo nagkakilala ni Papa kung ganun, Ma?"
"May lihim na pagtingin ako sa Papa mo anak. Diko lang masabi yon kay Cecelia at Celestine kase mag nobyo na noon sila ng papa mo, i mean your biological mother anak. While, akonat si Celia ang magkasama. Galit na galit nun si Celia kase may gusto rin ito sa Papa mo. Lagi nyang inaaway ang kapatid nya kahit wala naman syang kasalanan. Kahit ako noon' nagagalit na kay Celestine. I'm insecure tho the point na gumawa ako ng paraan makuha ang Papa mo."
Lumungkot ang boses ni Mama. Base sa kwento nya ay talagang may kasalanan sya sa mga nangyare sa kanilang apat.
"May Party kami that time. That was Second year college na kami at habang tumatagal mas lalo akong napapamahal sa papa mo kahit na malayo akonsa kanya. Sila lagi magkasama ni Celestine. Ang alam ko sa sitwasyon ng isa pang kambal si Celia ay pinagkasundo ng magulang nya sa isang Binatang japanese. Ayaw nya sa lalaking iyon. Si Carlos talaga kase ang gusto ni Celia pero wala syang magawa kung ang mahal nito ay ang kapatid nya."
Nakinig lang ako sa kwento ni Mama sakin. Gusto kong maintindihan lahat. Base kase sa kwento ni Nanay Celia non sakin ay sila daw ang mag boyfriend ni Papa, sila daw ang nagsumpaan. Pero bakit wala syang nabangit nanpangalan na Celestine? Bakit pinalabas ni Nanay Celia na sya ang totoo kong nanay? Bakit?
"Anaak..."
"Ituloy nyo lang po. Nakikinig ako. Ano pong nangyare sa after party nyo po?"
"A-ayon nga at ginawa ko rin ang lahat makuha lang si Carlos sakin. Pansin ko kase noon na nag-iisa sya, Malungkot at halatang may problema. I ask him kung bakit. Ang sabi nya pupunta daw ng ibang bansa ang magkambal at don muna sila manirahan. Nalaman nyang ipapakasal daw sa ibang lalaki si Celestine, which is hindi naman yun ang totoo kundi si Cecelia dapat yon. Don ko nalaman na mukhang kinausap na sya ni Cecelia si Carlos at sinabi nya ang tungkol sa pagpapakasal sa half Japanese na lalaki. Akala ni Carlos ang Biological mother mo ang nagloko."
"Kinuha ko ang pagkakataon na iyon anak. Nilasing ko ang tatay mo noong mga oras na iyon. Wala na akong ibang maisip pa kunde ang sarili ko. Diko lang sya gusto lang. Mahal ko na si Carlos. May nangyare sa amin nung mga oras na iyon anak. Naging malamig sya sakin nung nalaman nyang nabuntis ako at sya ang tatay. Akala ko noon kapag nalaman ni Carlos na nabuntis nya ako ay matutuwa sya. I almost confess na mahal ko sya. Pero alam kong hindi iyon mangyayare kase si Celestine parin ang mahal nya."
BINABASA MO ANG
When Love & Hate Collide (COMPLETE)
Teen FictionPaano kung magkabangaan ang dalawang taong ayaw na ayaw sa isat isa? Yung tipong magsisimula sila sa Asaran.. pikunan, awayan at higit sa lahat magkakasundo kaya sila? Oh may mabubuo pa kayang love sa pagitan ng dalawang magkaaway n...