Chapter 11: Sorry

188 5 0
                                    


Iyanna POV:


"Anak!"



"PAPA!!?"


"Kamusta na ang prinsesa  ko?"

"PAPAA!! ikaw ba talaga yan? Miss na miss na po kita papa!"


"Miss na miss na rin kitang  makasama at mayakap nak,"


"PA, sama po ako sa inyu. I mean gusto ko ng  sumama sa inyo para makasama kona po kayo"


"Anak!?"


"Gusto kona pong  magpahinga papa.
Ayoko na don. Di naman nila ako Mahal e .  Ikaw lang  ang nag mamahal sa akin pa."


Yumakap ako ng mahigpit. Sobrang higpit na ayoko  ng mabitawan ang
papa ko.. sobrang namiss ko sya yung mukha nya.. at mga yakap ng papa ko sakin. Napaka saya ko na Nakita  kona sya ulit.


"Pa!"


"Anak natatandaan mo ba lahat ng sinabi at mga tinuro ko sayo?"  Tumango tango ako agad.


"Opo--"



"Na lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Kaya kung ano man yung mga natutuklasan mo anak, wag kang mawalan ng pag asa kasi lahat ng iyon may kapalit. Pero anak may kailangan ka pang tapusin. Yung misyon mo sa mundong to di mopa natatapos anak. May dahilan ang god para sayo." Naiyak ako dahil sa mga sinabi sakin ni papa diko alam pero  bat parang tagos na tagos sakin lahat ng yon.


"Pero kasi Pa--"


"Lage naman kitang babantayan anak. Nandito ako lage sa tabi mo. Di mo man ako nakikita at nahahwakan atleast ako  nakikita kita. Nakikita ko kung gaano ka nahihirapan at nagiging masaya.  Anak, tulad ng sinabi ko sayo wag kang mawalan ng pag asa. Kasi hangat may bukas pa may pag asa. Hangat humihinga pa ang tao may pag asa. Magtiwala ka lang sa sarili mo anak.."



Pinunasan ko ang mga luha ko na tulo ng tulo.. ngumiti sakin si papa at nakita kung unti unti na syang lumalayo sakin. 


"Papa!"



Pero ngiti lang ang sagot sakin ni papa hinabol ko sya pero bigla akong nasilaw ng liwanag. Napunta sya don sa liwanag na yon at nawala na sya bigla. Naiwan akong natulala don kasabay na pagpatak ulit ng luha ko.

...... 


"Papa" 


"Iyanna!!"


Napalingon ako sa tumawag sakin. Si kuya Caloy. Anong-- pero nabigla ako ng may nakita akong dextrose sa kamay ko.. at mukhang nasa hospital ako ngayon..

Si papa!


"A-anong nangyare sakin kuya? Bat ako nandito?"


"Iyanna--"


"Ayoko na dito kuya. Alisin mo to sakin. I-itong nakakabit sakin kuya alisin mo yan."  Nagpa panic na sabi ko at pinipilit kung alisin yon samantalang si kuya Caloy panay ang hawak sa kamay ko.


"Jack! Jack!"


"Oh, kuya bakit?" 


"Tumawag ka ng nurse don dalian mo."



When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon