Chapter 16: Athena side

93 3 0
                                    

[Athena POV:]

Nanditoo kami ngayon ni Iyanna sa McDonald.  Dito daw kase nya gustong kumain kaya nag call na rin ako sa kanya. Libre ko din naman kaya ayos lang din sakin na dito na kami kumain. Nasa mall kase kami ngayon inaya ko sya kase sobrang bored na ako don sa bahay namin. Since sunday naman ngayon ay okay lang na gumala. 

Nakatingin lang ako kay yanna na kumakain.  Napaka amo ng mukha nya at ang ganda nya. I wonder if bakit sya sinasaktan ng mga pisting  kuya nya. Ang sasama ng ugali. Kahit naman hindi ko pa nakakaharap  ang mga kuya nya ay naiinis parin ako sa kanila. Naiinis ako sa pag trato nila kay iyanna. Bakit ba sila ganun? Samantalang ako  nag iisa lang at gusto kung magkaroon ako ng  kapatid, magkaroon ng kapatid na babae.

"Ayaw mo bang kumain?" Tanong nya sakin ng may pagkain pa ang bibig nya.  Natawa naman ako at napailing na lang. "So dika ba kakain?"

"Gusto lang kitang titigan habang kumakain. Ang cute mo kase haha!"

"Halaa baka may hamog na ako sa pisnge. Ah sya nga pala pasensya na kung ganito ako katakaw na kumain hehe fav ko kase chicken  eh. "

"I see.. mukhang gustong gusto mo nga ang manok. Gusto mo order pa kita uli--"

"Hindi! Wag na okay na yon  nakain ko. Isa pa madali din naman akong mabusog"

"Ikaw bahala. Kung may gusto ka pang  kainin sabihin mo lang"

"Nakakahiya naman sayo thenay, tsaka isa pa may pera din naman ako." Tumango at ngumiti  na lang ako sa kanya at kinain  kona rin yung natitira pang pagkain sakin. 

Gusto ko talaga kase syang maging kaibigan, maging bestfriend at kapatid na rin. Sya lang kase ang nakilala kung mabait na tao sakin. Simula ng tulungan ko sya naging daan yon ng pagiging magkaibigan namin.  Actually may mga kaibigan naman ako dati  kaso ano, hindi sila naging mabait sakin.

First  year ako nun. Nakilala ko ang isa sa pinaka famous na mga babae nun sa campus  namin. Classmate ko sila at talagang marami ang humahanga sa tatlo na yon. Ang gaganda kase nila eh, mayaman at mukha talaga  silang matapobre. Lagi akong nakatingin nun sa kanila hoping na sana maging  kaibigan ko din silang tatlo. I was wearing that time a reading glass. Medyo malabo pa kase ang mata ko nun eh. Kaya everytime na nagbabasa ako ng libro kailangan nakasuot ako ng salamin.  Nagulat na lang ako nung time na yon kase bigla silang lumapit sakin at nakangisi silang kinausap ako. Nung sinabi nilang gusto nila akong maging belong sa kanila ay natuwa ako syempre. Ang saya ko kase natupad yung gusto kona maging kaibigan silang tatlo.

Si Donna, Gail at Maggie.

Untill the day after. Naging kaibigan ko narin  sila. Kasama na ako sa  canteen kung saan sila kumakain. Kasama sa mga lakad nila. Sinasamahan ko din sila sa Cheering squad nila nun sa basket ball. Pagka next day ganun parin we're  friends parin pero iba na nun ang trato nila sakin.  Pagka kumakain kami sa canteen inuutusan na nila ako ng pagkain na gusto nila. Pinapasama nila ako sa Mall ng ako ang bitbit ng mga dala nila. Sinasamahan ko sila sa Cheering squad  nila ng bitbit ang mga bags nila.

Alam kung hindi ako yung personal slave nila pero gusto ko naman yung ginagawa ko. Akala ko totoong kaibigan ang turing nila sakin but i was wrong. I thought they treated  me as a good friend. Pero nung narinig ko silang nag uusap sa Cr. Don ko nalaman na pinaplastik  lang pala nila ako. Na hindi naman pala totoong kaibigan nila ako. I was hurt that time kase itinuring ko silang totoong kaibigan.  Kaya nung dina ako sumusunod sa lahat ng utos nila don na sila nag start na ibully ako. Binubuhasan ng gulaman sa ulo at pinapahiya ako sa lahat ng tao.

Tumakbo ako nun  and I cried alone walang tumutulong sakin nun at Pinagtatawanan ako ng nakakakita sakin, yung iba naawa na rin sakin. Sinasabihan naman ako ng iba na inuuto lang daw nila ako pero di ako naniwala. Pinagpatuloy  ko ang ginagawa ko nun. And now? Ano? Anong nangyare sakin? Alone again at siniraan pa ako ng mga tinuri kung kaibigan.

When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon