Chapter 25: Silent Feeling

49 2 0
                                    


Iyanna POV:



"Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?"

Napatingin ako sa kaibigan ko. Nandito ako ngayon kila choie at gaya ng sabi ko ay hinatid kona nga yung project namin. Umiling -iling lang ako sa tanong nya sakin


"Eh bakit ganyan ka? Kanina pa kita kinakausap dika naman sumasagot."


"E, sorry naman wala lang talaga ako sa mood ngayon eh."


"Bakit?"



Napabuntong ako ng malakas. Para kaseng ang bigat ng problema ko ngayon.


"Eh kase.."

"Kase ano? Alam mo--"


"Maraming tao sa bahay at isa pa ayoko don! Gugulo lang utak ko don eh." Natatawang tumingin sakin ang kaibigan ko, kaya iniwas ko agad ang tingin sa kanya. Manunukso pa ata ang isang to! Amp!



"Pfft.. huhulaan ko. Nandoon si jeigo no!?" Di ako sumagot.


"Sya ba nagpapawala ng sarili mo ngayon at tulala ka?"


"Oo-- ay hindi. Hindi sya! Ibang tao yung iniisip ko! Ano kaba! Tsaka pano napunta sa usapan natin ang lalaking yan? ha!?" Wala talagang respito to kahit kilan. Akala ko ba ayaw nya don sa kumag na yon para---



"Asus! Baka naman kase meron sinabi ang isang yan' at nagagalit ka dyan."



"Meron nga." Nagpangalumbaba ako at dahil dakilang chismosa tong kaibigan ko, mas lalong lumapit pa sya sakin.

"Talaga? Ano? Anong sinabi nya sayo?" Excited nyang sunod sunod na tanong. I rolled my eyes with her. Hays! Bat ko pa nga ba naging kaibigan to?



"Na... alam din pala nyang anak ako sa labas ni Papa at--"



"ANO!!?"



Tingnan mo to! Excited kanina tapos ngayon nakasigaw! Hays.. Sabi na eh' Magagalit talaga ang bruhang to!



"Makinig ka muna kase! Sinabi nya nga sakin kagabe yung alam nya. Na ang alam nya ay matagal na rin nyang alam na anak ako sa labas ni Papa. So nagalit ako sa kanya kase hindi man lang nya sakin sinabi na--"

"Ano na anak ka sa ibang babae ng papa mo? Bakit close ba kayo nun? Diba hindi? Naku ikaw, wag kang ambisyosa! Malamang bat nya naman sasabihin yon sayo eh magkaaway kayo?. Kinginang yan nangigigil ako dyan sa jeigo na yan ha! Masusuntok ko talaga sa mukha nun."


Natatawa ko syang tinititigan. Ang cute talaga magalit ng kaibigan ko. Kababaeng tao ang angas-angas, kaya madalas napagkakamalan sya na tomboy e. One time, nakita kung nag aaway sila ni kuya Kiko, basta tinawag nyang tomboy tong kaibigan ko. Gusto ko sana matawa nun kaso baka ako pagdiskitahan ng galit nya kaya hinila ko na lang sya palabas ng bahay.



"E, hindi rin naman ako nag eexpect don eh. Ang akin lang, nagiging okay na kami this past few weeks. Sinusubukan kona silang pakisamahan. Sila kuya, sinusubukan kona' kase alam ko naman na may kasalanan din ako kaya ko ginagawa yun. Kaso ito! Ewan parang mas lalong nakakagalit eh. Kung pwede nga lang ayoko ng umuwe ng bahay."



"Hays! Ewan ko dyan sa mga peke mong mga kapatid. Lalo na yang kiko na yan sarap talaga ilampaso ang pagmumukha ng isang yan eh. Gago!"


"Oh ayan kana naman.. nagagalit ka naman kay kuya kiko. Hahahaha"


When Love &  Hate Collide (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon