Chapter 3

1.1K 28 4
                                    

Scent's Point Of View

"May pupuntahan ka pa?" tanong ni Apple sa 'kin.

Tumango ako at sinukbit ang bag na wala namang laman. Design. 

"Sasamahan ba kita or what?" she asked.

"No. I'm fine. Saglit lang naman, ibabalik ko lang 'to kay Armil."

Lumawak ang ngiti ni Apple dahil sa sinabi ko. Issue na naman.

"Family tayo dito sa room 'wag mo 'ko inaano, Apple ha, baka ma-ano kita," irap ko.

"Wala pa nga akong sinasabi e. Masama bang ngumiti? Issue ka, Scent. Una na ako, naghihintay na si Jun sa 'kin sa labas. Bye, Zethadel Scendra!" she shouted and waved her hands.

"Bye," bulong ko nalang nang makalayo ito. 

Lumabas ako ng room at dumiretso sa may bulletin. Ando'n na si Armil pagdating ko. Umiinom ng mogu-mogu.

"Jacket mo. Salamat ulit," binigay ko sa kaniya 'yong jacket ko.

"'Wag mo na ibalik, sa 'yo na 'yan. Pakialagaan na rin... pati puso ko," ngisi niya.

"Ikaw 'wag mo 'ko binibiro hindi ka nakakatuwa."

"E ako, 'di mo ba ako tatanungin kung natutuwa ba ako sa 'yo?" seryosong tanong niya.

Inirapan ko lang siya.

"Puso ko tuwang-tuwa sa 'yo. Pa'no ba 'yan, Colina? Dapat siguro panagutan mo 'to, 'no?"

Marahang lumingon ako sa kaniya at umamba ng suntok. Tarantadong 'to.

"Bakit mo 'ko binibiro ng ganiyan? Close ba tayo stupid creature?" I said what my mind wants me to say. 

"Oo. Gusto ko close tayo."

"Yuck, no! Uuwi na nga ako. 'Yan na jacket mo."

Binato ko sa kaniya 'yong jacket niya na agad niya namang nasalo.

"Sino kasama mo?" tanong niya.

"Susunduin ako ni Papa," sagot ko.

"Sabay na ako hanggang gate."

Hindi ako umimik at hinayaan siyang sumabay sa 'kin. 

"Bye, Scent!" sigaw ng kaklase ko pagkakita sa 'kin.

Kumaway ako at ngumiti. 

"Close na kaagad kayo ni Alyssa. Pansin ko close mo na lahat ng kaklase natin," imik ni Armil.

"Friendly kasi ako, tapos mabait."

"Tapos maganda," ubo niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Flirty si Armil, napapansin ko 'yon. Angas din ang datingan niya. Parang playboy na matalino.

"Ngumiti ka."

"Ha?"

"I said, smile."

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Mas gumaganda ka kapag ngumingiti," salubong ang kilay na sabi niya.

E bakit parang galit ka?

"Alam ko," masungit kong tugon na ikinatawa niya.

"Akala ko magb-blush ka tapos ngingiti tapos mahihiya," tawa niya.

"Ay beh hindi mangyayari 'yon. Sino ka ba?"

Inilibot ko ang paningin para hanapin si Papa. For the first time na-late si Papa ng dating.

"Scent," tawag ni Armil.

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now