Chapter 24

734 21 0
                                    

Scent's Point Of View

KATOK sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa diwa ko. Napatulala ulit ako sa kawalan ng tumigil ang pagkatok. Simula noong dinala si Armil sa ospital ay hindi ko pa ito nabibisita. Natatakot ako.

"Anak? For how long will you cage yourself here in your room?"

Bahagyang napalingon ako kay Mama. Hindi ako sumagot at binalik ang tingin sa kawalan. I don't feel like talking. I just want to keep myself hidden.

"Nasa baba si Doblenn. He's here to accompany you to the hospital. I just got the news from your adviser, gising na si Armil."

Nakuha no'n ang atensyon ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko at lihim na nagpasalamat sa Diyos dahil gising na ang boyfriend ko. Lumapit si Mama sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"I know you're traumatized, Scent. It's okay, take your time and heal. Mama is always here for you. You're too young to witness that kind of situation but it happened."

"Thank you," I whispered.

"Magbihis ka na para makapunta na kayo sa ospital."

I nodded.

"Anak, I know this will break you but I want to tell you this sooner. Armil remembers everyone except you. Iyon ang sinabi ng adviser mo sa akin. They tried asking him if he remembers you but no luck."

Napamaang ako. Retrograde amnesia cause by his head injury. It was that bad. Retrograde amnesia can be temporary or permanent. I smiled a little and nodded before walking to the bathroom. Pagpasok ay pinuno ko ng tubig ang bathtub at lumusong doon. Ini-on ko rin ang shower para hindi marinig ni Mama na umiiyak ako.

I heard he was in coma for more than two weeks. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay excused ako dahil sa PTSD or post-traumatic stress disorder. His head injury was fatal and that scared me.

"Are you ready?" salubong ni Dobby sa 'kin ng makitang pababa na ako ng hagdan.

Hindi ako umimik at pasimpleng tumango lang.

"Let's go. Aalis na kami, Tita, Tito," paalam nito.

"Mag-iingat sa daan, ha?"

"Yes, Tita."

Dobby and I headed outside. He opened the car door for me. Umikot ito sa harap ng sasakyan at umupo si driver's seat. Lumingon ito saglit sa 'kin.

"All good?" he asked.

Tumango ako. Pinaandar na nito ang makina at pinasibad na ang sasakyan. Habang nagb-byahe ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi namn masyadong malayo pero mabagal kasi ang pagmamaneho ni Dobby.

"Do you have something in mind that you want to share?" imik nito.

Umiling ako. I don't want to talk about it. Iiyak lang ako at maiinis na naman ako sa sarili ko kasi napaka-iyakin ko. Ang tanda-tanda ko na pero kung maka-iyak akala mo bata.

"You know it's okay to cry, Scent. Alam ko ang tumatakbo diyan sa utak mo. Everyone is a crybaby, always remember that, okay?"

"Imbento ka," natatawang sabi ko.

"People act tough sometimes but they also cry in secret."

Napahalukipkip ako. Napatingin ako sa kamay ko. Nakikita ko pa rin doon ang bahid ng dugo ni Armil.

Masakit na hindi niya ako maalala. But time heals... right? Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kung palagi kaming magkasama... baka... baka maalala niya ako agad. Gano'n naman 'yon, 'di ba?

"Scent? Scent, nandito na tayo."

"Huh?"

"Nandito na tayo."

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now