"Bakit ang tahimik?" bulong ko sa katabi ko.
"Oh, my God ka! Syempre first day of school ngayon e, tignan mo after ilang weeks or months nito magiging cockpit bigla 'tong buong classroom," bulong niya pabalik.
Tumango-tango ako at umayos ng upo. Today is the first day of classes. Bagong school ko 'to. Wala kasi 'yong strand na gusto ko sa dati kong school kaya napilitan akong mag-transfer dito.
Actually, hindi talaga ako napilitan. Itong bago school ko kasi, semi-private. Tapos may isa pang school kung saan nando'n 'yong lahat ng strand, kaso malayo.
Hindi ko nga din alam paano ako napunta dito e. Basta sabi lang ni Mama tapos biglang woosh tsaran! Nandito na ako.
Nanatili akong tahimik habang nakamasid sa kanila. May iba na komportable lang, hula ko ay dito na rin nanggaling sa school na 'to last year. May iba naman tahimik lang din at nagmamasid, katulad ko.
"Kinakabahan ako," amin ko.
"Hindi ka nag-iisa."
Nilingon ko ang katabi ko. Punyetang 'yan. Nakaka-inggit 'yong clear skin. To be honest, hindi ko kilala 'tong katabi ko ngayon. Feeling close ako e. Just to lessen the nervousness I feel.
"Ano nga palang pangalan mo?" I awkwardly laughed.
"Apple. Apple Jiane Merced. Ikaw?"
Lumunok muna ako bago sumagot. Pati pangalan nakakababa ng dinidad, hayop na buhay 'to.
"Scent. Zethadel Scendra Colina," sagot ko.
"Nice. I like your name."
"I like yours too," kinakabahang tango ko.
Pumasok na 'yong adviser namin at pinaayos kami ng upo. Ang ganda ng adviser namin. Kung titignan, parang ako lang 'yong naligaw dito.
"Okay class, good morning. I am Marian Torres and I will be your adviser for this whole school year. I've been teaching for a decade now and I'm happy to be teaching you and uh... feeding you with knowledge. So, again, I am Ma'am or Teacher Marian Torres, nice to meet you."
"Now, I want you all to stand in front individually and introduce yourself. Kasi, it's better 'di ba kung magkakilala tayong lahat?"
All of us agreed. Tama naman kasi. Mindset ba, mindset.
Hindi kami uniform kaya sa sitting arrangement nalang kami bumase. Kung sino 'yong nasa first row sa right side, siya 'yong nauna.
"Armil John De Luna. Uh... I finished my junior years here in uhm... in this school. My motto is uh... kapag luto na ang kanin, pwede niyo na akong ulamin."
Galaw ng galaw pa ito at parang hindi mapakali. Dati ka bang abno?
"Good morning everyone, especially to our adviser, Ma'am Marian. I am Amos James Alagadmo, I finished my junior years in this school and if things get worst, just drink red horse. Royal po chaser. I'm only two calls away. Thanks."
'Yan ang gusto ko, mapagbiro, sarap sakalin.
"Hi! My name is Apple Jiane Merced. Some of my friends call me AJ from my name initials, and some just address me as Apple. I also finished my junior years here and I'm glad to meet you all. Thank you!"
What the hell, beh?
"Hi. I'm Zethadel Scendra Colina. I'm a transfer student from uh... basta sa ibang school. I hope we can get along well. 'Yon lang po," nakatungong bumalik ako sa upuan ko.
Kapag nasa upuan ka, hindi nakakahiya. Wala kang hiyang mararamdaman. Pero kapag ikaw na 'yong tumayo at na sa 'yo na 'yong atensyon nila, mangangatog ka nalang talaga sa kaba. Hindi naman ako introverted kid o ano, ayaw ko lang talaga ng atensyon. Kapag nga may nakamasid sa 'kin habang naglalakad ako, nakakalimutan ko nalang paano maglakad ng maayos.
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Fiksi RemajaWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...