Scent's Point Of View
"Ayos ka lang?"
Napalingon si Armil sa gawi ko. Hawak-hawak nito ang ulo. Sa mga nagdaang araw ay napapansin ko ang palaging pagsakit ng ulo nito. Mapa-umaga, tanghali, o hapon. Hindi sinasabi ni Armil 'yon pero napapansin ko.
"I'm fine. Mild migraine lang dahil sa init," dahilan nito.
I didn't buy it of course. Mild migraine dahil sa init? Siguro maniniwala ako kung hindi ko napansin nitong mga nakaraang araw.
"Hindi ka okay. Huwag kang magsinungaling sa 'kin. Ilang araw na 'yan?"
"Two weeks, maybe?"
Tumayo ako at pumwesto sa likod nito. Inilagay ko ang mga kamay ko sa ulo nito at marahang minasahe iyon.
"Pinapagod mo kasi masyado ang sarili mo. Relax and breathe. Uminom ka rin ng maraming tubig para iwas dehydration."
Tumango lang ito at sumandal sa upuan niya. His head rested on my stomach.
Huminga ito ng malalim. "I like your smell."
"Gusto ko rin ang amoy ko."
Marahang natawa ito sa sinabi ko. Kinahapunan ay hindi ko na mahagilap si Armil kaya hinanap ko na ito sa buong school. I asked few students but they're unaware of his location.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Apple ng makasalubong ko silang dalawa ni Jun.
Hawak ni Jun ang bag ni Apple, si Apple naman ay libro ang bitbit.
"Hinahanap ko pa si Armil."
"Kung hindi niyo lang itina-tanggi ay iisipin ko talagang may relasyon na kayo. Sa lagkit ba naman ng pagtitinginan. Aligaga pa kapag wala ang isa. Tignan mo nalang sa council o sa gym, sa garden na rin."
"Sige, salamat. Uuwi na kayo?" tanong ko.
Sabay na tumango ang dalawa. Hindi na ako nagtanong ng kung ano-ano at hinanap nalang si Armil sa buong campus. Wala sa council at garden. Sa gym ang sunod kong pinuntahan.
"Hi, nakita niyo ba si Armil?" tanong ko sa mga cheerleaders na nagp-practice.
Kumaway si Roxanne at lumapit sa 'kin.
"Hindi ko nakita si Vice dito. Baka umuwi na."
Iyon ang naging sagot nito sa tanong ko. Tipid na ngumiti ako at naglakad papunta sa gate ng school. Habang naglalakad ay lumilipad ang isip ko. Pinoproseso ang sinabi ni Roxanne. Hindi naman umuuwi 'yon hanggat hindi ako nasusundo ni Papa. Baka may emergency. Pero bakit hindi niya ako sinabihan man lang? Nasayang tuloy ang effort ko na hanapin siya. Nakakainis.
"Ate, hinahanap ka po ni Kuya Armil."
Napalingon ako sa munting boses na iyon. Nagbaba ako ng tingin sa uniform nito, sa bandang dibdib. May nakalagay doon na grade 7, kaya hinuha ko ay nasa first year pa lang ito.
"Kailan?"
"Ngayon lang po. Kapag nakita daw po kita ay sabihan agad. Maghihintay daw po siya sa classroom niyo."
"Sige, salamat," ngumiti ako ng malawak.
"Walang anuman po."
"Anong pangalan mo?" tanong ko bago umalis.
"Roge po. Kapatid po ako ni Ate Roxanne."
"Nasa gym si Ate mo. Ingat ka, huwag kang tumakbo."
Kumaway ako at mabilis na naglakad pabalik sa classroom.
Sa halip na matuwa dahil nakita ko si Armil ay binundol ng kaba ang dibdib ko. Nakaupo kasi ito, nakasandal sa malamig na semento, hawak-hawak ang ulo at may tumutulong dugo mula sa ilong nito.
"Armil! Ano bang nangyayari sa 'yo?" mangiyak-ngiyak na tanong ko at agad itong nilapitan.
"I-I'm fine."
"You are clearly not!"
Mula sa bulsa ay kinuha ko ang panyo na palaging dala at pinunas iyon sa dugo na dumadaloy sa ilong niya. Nakahawak lang si Armil sa blouse ng uniform ko at nakapikit.
"Tatawagan ko si Papa. Dadalhin ka namin sa ospital," tarantang ani ko.
Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko. Hindi ko na rin maaninag ng maayos ang cellphone ko dahil sa namumuong luha na pinipigilan kong umagos.
"It's okay. I'm okay," he paused for a second. "Normal na sa akin ang ganito. Nose bleeding dahil sa mainit na panahon."
"Umayos ka nga! Nag-aalala na ako oh!" sigaw ko.
Tumawa lang ito. Itinaas niya ang kaniyang kamay papunta sa mukha ko at marahang hinaplos iyon.
"You're so adorable, do you know that? I told you not to worry. Mawawala rin 'to kapag natapos ang summer."
"Ibig sabihin sa bakasyon ay ganito pa rin?"
"Hindi. Hindi ako ginaganito kapag nasa bahay, naka-max kasi ang aircon. Dito sa school mainit, palagi pa akong naglalakad sa labas."
I felt his thumb on my cheeks, wiping my tears.
"Huwag ka ng umiyak, ayos lang ako. Halika na, baka nasa labas na ang papa mo."
"Punasan mo muna 'yang ilong mo, sa 'yo na 'to. Ihahatid ka na namin ni Papa."
Tinanggap ni Armil ang panyo na ibinigay ko. Naunang tumayo ito at inalalayan ako sa pagtayo.
"Hindi na, I brought my bike with me. Talikod ka, nadumihan pa tuloy ang unifom mo."
Tumalikod ako at pinagpagan ni Armil ang laylayan ng uniform ko.
Habang naglalakad ay nakaakbay si Armil sa 'kin. Tama nga ito ng sabihin nitong baka nasa labas na si Papa. Nagbiruan pa silang dalawa bago kami umalis ni Papa.
"Papa, nag-aalala ako kay Armil."
"Bakit?"
"Nitong mga nakaraang araw kasi palaging sumasakit ang ulo niya. Tapos kanina, nagdudugo ang ilong."
"Huwag ka muna mag-isip ng masama diyan. Sabihan mo ang batang iyon na magpa-check up."
KINABUKASAN ay nagdala ako ng maliit na fan sa school, pati na rin ng tumbler na parang maliit na thermos. Kapag nilalagyan ng tubig na may ice ay hindi nawawala ang lamig nito hanggang hapon.
"Nag-aalala ka talaga sa 'kin?" tanong ni Armil ng salubungin niya ako sa gate.
"Oo 'no! Ito, inumin mo 'yan. Hawakan mo 'to, huwag mo 'yan iiwan. Dalhin mo kapag lumalabas ka. I have my umbrella here," turo ko sa bag ko.
"Hindi kaya magka-tonsil ako?"
Napaisip ako saglit. "Oo nga 'no, masyadong malamig 'yan tapos sobrang init ng panahon. Tubig nalang na hindi malamig, bili tayo sa canteen mamaya. May dala akong apat na bimpo, para kung sakali gumanon ulit may maipupunas ako sa 'yo."
"But you don't have to—"
"Just let me, okay?"
"I concede."
"Good."
I kept an eye on Armil throughout the day. Kapag lumalabas ng classroom ay inaabutan ko ito ng payong at tinatanong kung dala ba nito ang mini-fan na bigay ko.
Pagdating ng hapon ay hinanap ko ulit si Armil. More of, pinuntahan. Alam ko kasing nasa councils ito kaya pinuntahan ko nalang. I was humming on my way there.
Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa 'kin ang walang malay na si Armil. Nakahiga sa malamig na semento at dumudugo ang ilong.
*****
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Teen FictionWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...