Scent's Point Of View
Hindi ko na namalayan ang mga araw na nagdaan. Kasalukuyan akong nasa loob ng room namin at pinagmamasdan ang mga kaklase ko na may kaniya-kaniyang ginagawa. May nagm-make up, my kumakanta, at may nagbabaraha. Itong isa na hindi pa tapos sa make up ay mukhang sasalang sa pageant.
"Scent, ikaw dito sa kabilang mata," untag ng kaklase ko sa 'kin na agad ko namang tinanguan.
Blue and violet. Unang nilagay ko ay primer. Hindi ko rin alam ginagawa ko. Kawawang Joshua Edward, drag queen ang datingan.
"Trust the process, Joshua, ha? Huwag kang mang-judge. Sasapukin kita," banta ko.
Ngumiti lang ito at tumango.
"Anong una mong nilagay?" tanong ko.
"Silver brown. Hoy, huwag niyong galawin 'yong pallette!" sigaw nito sa iba naming kaklase na magulo.
"Ako na bahala dito. Kaya ko na 'to," tango ko.
"Okay! Goodluck."
May tatlong brush. Maliit, sakto lang, at malaki. Iyong medium na brush ang ginamit ko. Wala akong karanasan sa ganito kaya hindi ko alam kung anong tawag dito.
Magulo ang classroom namin ngayon dahil walang teacher na pumasok. May meeting ang mga teachers ngayon kaya namin ito ginagawa. I was supposed to be sleeping at the floor right now, but I can't properly lay down without a pillow so I refused to.
"Pikit ka, Joshua. Lagyan ko ng highlight sa gilid para astig tignan," utos ko na ginawa naman agad nito.
Pati contour ay nilagay ko sa mukha niya. I curled his lashes and put some mascara on it. Nang tignan ko sa kabila ay matulis na mahaba ang eyeliner na nilagay ng kaklase ko. I was about to put the eyeliner when a hand grabbed me from behind.
"Nawala lang ako saglit kung ano-ano na ginagawa mo," ani Armil sa matalim na boses.
"Akala ko mamaya ka pa."
"Halika. Ako make up-an mo kung gusto mong makaranas mag-make up. Manghiram tayo ng pallette."
"Ha? Hindi na! For try lang naman 'yon. Kulang pa ng eyeliner 'tsaka liptint si Joshua," maliit ang boses na sabi ko.
Nagsalubong ang kilay ni Armil at kinuha sa kamay ko ang eyeliner.
"Anong klase ng linya ang gusto mo, Edward? Iyong mahaba at matulis o... maikli at bitin?" malamig na tanong ni Armil.
"A-ako na, kaya ko na," kinakabahang sagot ni Joshua.
"Good."
"Napaka-seloso talaga nito. Halika nga, lagyan kita ng make up. Huwag kang magre-reklamo kapag pangit ang kinalabasan, okay?" ungot ko.
Napangiti rin naman ito agad. "Kailan ba ako nag-reklamo sa 'yo? Do what you want, hon. I'm all yours."
Umirap ako at pinapuo siya sa upuan. I grab the pallete and the brush. I started with powder and foundation. Matapos i-blend ay nilagyan ko ng silver brown na kulay ang eyelid nito. Naaawa ako sa boyfriend ko kaya light nalang ang ilalagay ko.
Habang naglalagay ay ipinaikot ni Armil ang braso niya sa baywang ko. I stiffened a bit but composed myself.
"Alexandra, pahiram ng curler!" tawag ko.
"Here."
"Thank you. Burger ka sa 'kin," ngisi ko.
"Kadiri! Tigil mo nga 'yan, baho ng kamay mo," natatawang arte nito.
"Bastos," tawa ko. "Open your eyes, hon. Ic-curl ko ang lashes mo."
Lumunok ng marahan si Armil at nagmulat ng mata. We're too close with each other.
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Ficção AdolescenteWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...