Scent's Point Of View
The official class started. I'm nervous and excited. Hindi ko pa naman naaalala 'yong mga past lessons no'ng junior high school ako. I'm a fast learner that forgets everything I had learned in just a snap. Makatulog lang ako 'yong utak ko makaka-move on na agad.
"Scent! May club ka na? Magt-check si Ma'am later!" Apple shouted.
Kakababa ko lang sa sasakyan ni Papa at si Apple agad ang bumungad sa 'kin. May dala nga rin itong folders.
"Five mamayang hapon, Pa. May bibilhin rin pala ako sa mall."
"Ingat, 'nak. Huwag sasama kung kani-kanino, ang angas pa naman no'ng lalaking umaaligid-aligid sa 'yo," nakangising sabi ni Papa.
Ako lang ba may ganitong tatay? The hell.
"Ano ba, Pa!" reklamo ko.
"Biro lang, 'to naman. O siya, aalis na ako."
I nodded and waved. I entered the school's gate and went to Apple.
"Required ba talaga?" tanong ko.
"Yes! Hindi pwedeng display ka lang dito sa school, galaw-galaw girl!"
"Wala pa akong maisip e."
"Dapat mag-isip ka na! Mags-start 'yong klase mamayang Eight. Just tell me if you have something in your mind, ako na bahala para mapabilis ang process."
"Sige, salamat."
"I'll go ahead! Aasikasuhin ko pa 'yong ibang clubs! Bye! See you!"
"See you."
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong ko 'yong boyfriend ni Apple. May dalang folders.
"Nakita mo si Apple?" tanong niya sa 'kin.
"Oo. Aasikasuhin niya daw 'yong ibang clubs," sagot ko.
"Thanks."
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bitbit ko rin ang suklay ko at sinusuklay ang buhok. Late na kasi ako nakatuloy kagabi kaya late na rin ako nagising. Hindi na ako nag-abalang magsuklay pa sa bahay at sa kotse, tinamaan ako ng katamaran e.
Nakita ko si Armil hindi kalayuan. Gulo-gulo ang buhok at katulad ni Apple at Jun ay may dala ring iilang folders. Haggard na haggard. Biglaan ay napatingin siya sa gawi ko. I immediately looked away and walked fastly.
Pagdating sa room ay nakita ko si Apple at Jun. Inaalalayan ni Jun si Apple. Iyan ang when.
"May club ka na? Bilis, Scent! We're running out of time!"
"A-ano... sa Music club nalang!" sigaw ko.
"Sure ka ha?" paninigurado niya.
Tumango ako. Hindi ako marunong kumanta pero marunong ako tumugtog. Acoustic guitar at drums. Still learning the electric guitar.
"Here. Ito 'yong form. Sign it please."
I did what she said. Nang ibigay ko sa kaniya 'yong form ay umalis na sila Jun. Nang magsimula ang klase ay nagpakilala kami sa iba't-ibang subject teachers.
"Zethadel Scendra, tara na!" hinila ako ni Apple palabas.
"Saan?" naguguluhang tanong ko.
"Sa Music club. Nag-sign up ka doon. And you have to perform something to impress them para matanggap ka."
Pagkatapos ng klase ay bigla nalang akong hinila ni Apple. 'Tsaka ano daw? Perform? What?
"Ha?! Hindi ako marunong kumanta!"
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Teen FictionWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...