Scent's Point Of View
Second day of unofficial class. Tour daw ako ni Apple sa mga clubs dito sa school. Next month daw kasi kung kailan magaganap ang official classes ay magr-recruit sila ng mga bagong members, pati na rin leaders. Graduate na daw kasi 'yong ibang leaders ng ibang mga clubs.
Tatakbo ako bilang leader. Tapos mangangampanya ako sa buhay mo. I love you.
"Firstly, and club ni Jerick at Ryan. Creative art club. Sila 'yong palaging inaatasan sa designs tuwing may event. Need talaga nila ng maraming members, sila kasi 'yong inaasahan sa lahat when it comes to designing. Pero syempre, hindi ka basta-basta makakapasok. Kailangan mo munang maging creative para masiguro talaga nila na maasahan ka," litanya ni Apple.
"Pa'no 'yon?" tanong ko.
"Gagawa ka ng example designs na ikaw mismo ang gumawa tapos ipakita mo sa kanila. At dahil silang dalawa ang leader, sila ang magd-decide kung tanggap ka ba o hindi."
Hindi ako masyadong artistic pero gusto ko sumali. Kalahating artistic ako at kalahating hindi.
Hinatak niya ako sa susunod na club, medyo malayo sa art club.
"Bakit ang layo? Anong club ba 'to?" I groaned.
"Music club. Sila 'yong responsible when it comes to events. May banda sila at sila ang tumutugtog tuwing may program. Halata naman sa club nila na tumutugtog sila. Wala silang leader or club president, baka gusto mo."
"Nope, no thanks. Hindi ako kumakanta. Bakit nga ang layo nito?"
"Nakaka-istorbo kasi sa mga nagka-klase kapag tumutugtog sila tuwing may practices. Kapag tinabi naman sa iba pang clubs, hindi rin pwede kasi mawawala sa focus 'yong ibang clubs kapag may ginagawa," she explained.
Tumango ako bilang sagot. Ang galing naman. Ang dami kong na-discover.
"Ito 'yong dance club, also called the dance studio. Ayaw nila sa tawag na dance club kasi hindi daw bagay. Katulad no'ng sa music club, wala rin silang leader. Kung mahilig ka sumayaw, pwede ka dito. Palagi silang magkasama ni Art club, music club at dance club tuwing may events. Para silang trio," kwento niya.
"Science club. Dito tumatambay 'yong mga matatalino when it's all about inventions and sciences. Sila rin 'yong sinasabak sa mga science quiz bee."
Pwede ako dito. Joke. I mean, interested ako when it comes to inventions, kung saan ito galing, pa'no ginawa o kung paano ito gumagana. Mahilig ako mangalikot ng mga bagay-bagay pero hindi ako matalino sa science. Mahilig lang talaga ako mang-discover. Tapos kapag nakasira, iiyak kasi hindi na alam kung anong gagawin. Bwesit na mindset 'to.
"Math club. Katulad sa Science club, sinasabak rin sila sa mga contests and such. Sila 'yong mga Math geek. Sa Science, wala masyadong tumatambay. Sa laboratory kasi sila kalimitan, gumagawa ng inventions."
Dito ako mamamatay. Nakakaintindi naman ako sa Math, pero sa dami ng equations hindi ko na naaalala. Math is basic if you listen well. Pero sa kaso ko, kahit twenty-four hours pa tulog ko inaantok pa rin ako. Kinginang buhay 'to, wala nang ginawang tama.
"History club. Sila 'yong nags-study when it's about history. Pati history ng buhay mo alam nila. Kaya kilalanin mo daw ang binabangga mo. Kung ako sa 'yo mananahimik nalang ako sa tabi," tumatawang sabi niya.
"Researcher ba sila? Private investigator?"
Tumango naman si Apple.
"Yep. Kaya nilang halungkatin 'yang nakaraan mo. Joke lang! 'Yong history inaaral nila, hindi 'yong buhay natin," tumawa siya ng malakas.
Hinawakan niya ako sa braso at pumasok kami sa isang room na may maraming ilaw, may usok pa.
"What is this?" I asked.
"Laboratory. Walang tao, hindi pa naman nagsisimula ang official classes. Senior high students lang pinapapasok dito, bawal junior dito. Ngayon nga lang ako nakapasok e, may ID na kasi ako na senior na ako," pinakita niya sa 'kin ang likurang bahagi ng ID niya na parang may QR code.
"Speaking of, kailan ko makukuha 'yong ID ko?"
No'ng nagpa-enroll kasi ako, ginanap na rin 'yong picture taking for ID.
"Maybe next month or before the class will start."
"Last destination natin is itong gymnasium."
Napanganga ako ng slight dahil sa laki nito. Partida nasa labas palang kami. Pumasok kami sa loob at mas lalong nalaglag ang panga ko. The design is very human. LOL.
Maraming ilaw at sobrang lawak. Malaki rin ang stage nila at sobrang linis tignan.
"Sa left side sa may gilid, nandiyan 'yong club ng cheerleading squad. Pwede ka, Scent. Matangkad ka, maputi, balingkitan at maganda. Pasok na pasok ka. Sa right side naman, diyan 'yong room ng basketball team. Diyan sila nagbibihis, naliligo, ganito ganiyan."
"May swimming pool din ba dito? Swimming club?" tanong ko.
Umiling si Apple.
"None. Sa college lang mayro'n. May swimming club sila doon, wala dito sa high school."
After no'n ay bumalik kami sa room. Pinauna ko na si Apple dahil magc-comfort room pa ako, may nadaanan kasi kaming comfort room. Hindi naman ako 'yong tipo ng estudyante na need pa ng kasama kapag iihi kaya pinauna ko na si Apple. Matapos umihi ay naghugas ako ng kamay at lumabas. Habang naglalakad ay napahinto ako nang may makitang pigura hindi kalayuan.
"What the fuck!" bulalas ko.
'Yong kaklase ko na naman. Nakababa ang pang-ibabang damit at kitang-kita na naman ang brief... brief na ben10 holy gross!
"Oh, hey," he winked.
Umatras ako nang maglakad siya palapit sa 'kin.
"Pangalawang beses na 'to," ngumisi ito ng malawak.
"B-bakit nakahubad ka na naman?"
"Inaayos ko lang damit ko. Scent 'di ba?"
Tumango ako.
"Ang ganda mo," he huskily remarked.
Punyeta!
"Delikado. Delikado kapag ganito ka-ganda, maraming kaagaw," huling sabi nito saka naglakad paalis.
What the bloody hell was that?
*****
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Novela JuvenilWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...