Chapter 2

1.2K 36 0
                                    

Scent's Point Of View

Second week. Medyo nagiging vibes na kaming lahat sa room. Nag-aanounce si Ma'am. May dagdag point daw kapag kasali sa mga clubs.

"Saan mo balak sumali?" tanong ni Apple.

Nasa canteen kami ngayon, kumakain. Ano ba dapat ginagawa sa canteen? Mag-acrobat? Wow the brain is very alien.

"Hindi ko pa alam. Wala naman kasi akong interes sa lahat ng clubs," I honestly answered.

Natigil ako sa pag-kain nang may makitang pumasok sa canteen. Naka-reading glasses at uniform. May dala pa itong iilang libro. The hell beh ang pogi.

"Scent. Scent!" Apple clapped her hands in front of my face.

"Sino 'yan?" turo ko.

"That's Jun. The supreme student government president. Minsan mo lang 'yan makikitang pagala-gala, palaging nasa council's room 'yan."

"Saan 'yon?"

Second week, may crush na agad. Uuwing may crush.

"Sa may graden ng junior high. Nandoon ang council's room. Pili lang din ang nakakapasok sa SSG. Dapat talaga may maibubuga ka," tawa niya.

Pwede ko na siya gawing asawa.

"Pwede bang tumakbo bilang girlfriend niya?" kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Hindi. May girlfriend na 'yan," tumatawang sabi nito sabay hampas sa 'kin.

"Sino?" napasimangot ako.

"Supreme student government Secretary."

"Name drop na agad."

"Secretary Apple Jiane Merced."

"Ano?!" gulat na sigaw ko.

Lintik na 'yan. Nakakahiya. Bwesit na buhay 'to, wala na talagang ginawang tama.

Humagalpak siya ng tawa with matching hampas-hampas pa. Bakit mo 'ko hinahampas, close ba tayo stupid creature? Just kidding!

"Sorry, ngayon ko lang nasabi. I am the SSG Secretary. At boyfriend ko naman ang SSG President."

"S-seryoso ka ba? Puro nalang talaga ako kahihiyan," tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko.

"Jun! Here, baby!"

"I brought pancakes, your favorite."

Inalis ko ang palad ko sa mukha ko at tinignan sila. Umupo 'yong boyfriend ni Apple sa tabi niya at sinubuan siya ng pancake.

Uuwing broken hearted. Char!

"Did you bake this?" malawak ang ngiti ni Apple.

"Of course, I did. Anything for my girl," he chuckled.

"Anyway, this is my friend, Scent. Scent, this is my boyfriend, Jun."

"N-nice to meet you po," uutal-utal kong sabi.

"Nice to meet you, too," tango nito.

"Ihahatid ka muna namin sa room, Scent. May pupuntahan kasi kami," sabi ni Apple.

"Ah... hindi na, kaya ko na. Thank you sa tour mo. May gusto rin kasi akong puntahan," iwinagayway ko sa harap nila ang kamay ko.

"Sure ka?" she worriedly asked.

"Oo naman! 'Tsaka ayoko bumalik sa room na wala ka, na-trauma talaga ako kay Armil," pabirong sabi ko na ikinatawa niya.

"Sige. Chat kita later, okay? Bye."

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now