Scent's Point Of View
Armil pursued me for a couple of months. Masarap sa pakiramdam ang nililigawan. And I couldn't deny the fact that I am falling harder and harder each day passes. But it's me, hi, I'm the problem it's me.
I told him to stop. It's not that I'm not ready, si Mama ang iniisip ko. Go lang naman kasi si Papa, kung anong gusto ko ayos lang kay Papa. Ayokong biguin si Mama kaya pinapatigil ko siya. Hindi ko naman sinabing tumigil siya in a harsh way, dinahan-dahan ko nga para maintindihan niya. Kulang nalang ay maglatag ako ng presentation at isa-isahin ang mga benefits kapag tumigil siya sa panliligaw sa 'kin. Yes, ako lang 'to, ano ba kayo.
After kong sabihin na tumigil na siya, hindi na kami nakapag-usap. Busy ang councils dahil sa sunod-sunod na events na paparating. Parehong busy si Apple at Armil. Kaming mga club officers, like Jerick and Ryan, relax muna sa ngayon. Ramdam ko anytime soon magiging busy rin ako dahil nakatoka ako sa Music Club. Music for hype.
Hindi ko masasabing iniignora niya ako. Kasi maski si Apple at Jun ay hindi ko rin mahagilap sa school. Excused naman sila kaya ayos lang. Hindi rin naman sila nahuhuli sa lessons dahil kakatapos lang ng quarter at nagr-review lang kami.
"Tol, nakita ko si Armil kanina. Ay mali, nakasalubong pala," tapik ni Mykee sa 'kin.
Kasama ko si Mykee at Jareyn, on the way sa canteen, joyride lang.
"Tapos?" pabalang na tanong ko.
"LQ?" tanong ni Jareyn.
"Anong LQ?" tanong ko pabalik.
"Lovers quarrel."
"Hindi ko alam. Hindi naman kami nag-uusap kasi nga 'di ba, busy sila."
"Kapag ganiyan sagot nag-away 'yan eh. Buti pa ako good student. Hanggang crush lang. Good girl kasi ako."
Sinamaan ko ng tingin si Mykee. Good girl na puro sharedpost sa Facebook.
Matapos mag-recess ay bumalik agad kami sa classroom. Patuloy na gano'n ang eksena sa mga dumating at dumaan pang mga araw. Saturday came and I'm still stuck on my bed. Yes, tinatamad akong bumangon. Sabado naman at hindi kami binigyan ng assignments or projects kasi nga wala masyadong klase because of the upcoming event.
Heto ako ngayon at nakatingin sa kawalan. I miss him. I miss his constant texts. Calls. The parts where he would check up on me. The greetings. This is me with my messy head. Nasa healing process ako kahit hindi naging kami. My heart wants him but my mind says the opposite. Para sa kapakanan ko at para hindi rin ma-disappoint si Mama sa 'kin. Pero miss ko na siya.
They say letting go and moving on are the hardest, kahit ako 'yong tumulak sa kaniya palayo. But no one told me about the relapses. He ain't my boyfriend but I don't want him to see nobody else. Nobody else but me. 'Yong minsan lang may magkagusto sa 'yo tapos ginanon-ganon mo lang.
Napabalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa pinto. Alam kong si Papa 'to. Si Mama kasi hindi naman 'yon kumakatok. Basta-basta lang 'yon pumapasok.
"First of all, walang klase, Pa, anong ginagawa mo dito? Second, bakit ganiyan ang porma mo?" puna ko sa suot nito. Wow. Tito outfits.
"Ayusin mo 'yang sarili mo. Maligo ka, magpabango ka, magpaganda ka."
"Pa," reklamo ko. "Ano bang mayro'n? Ang aga-aga eh."
"Nasa baba 'yong manliligaw mo."
"Ha? Sinong manliligaw?"
Oh, damn. Don't tell me it's him?!
"Bilisan mo, nak, kausap niya Mama mo. Hala ka, Zethadel Scendra."
"Papa!"
Agad na nawala si Papa sa paningin ko. Dali-dali rin akong nag-ayos. Tootbrush at hilamos lang ang ginawa ko. Wala ng suklay-suklay dahil ramdam ko na ang rumaragasang kaba sa mga sasabihin ni Mama.
"Zethadel Scendra, umupo ka riyan," turo ni Mama sa sofa, kaharap ng sofa na inuupuan nila.
Sa pang-isahang sofa ay nakaupo si Armil. Ang lakas n loob. Akala ko tapos na. Hindi niya alam ang kasasangkutan niya. Holy Jesus!
"Anong kailangan mo, hijo? Gusto kong klaruhin mo iyon sa harap naming lahat," ani Mama sa seryosong boses.
Tumingin si Armil sa gawi ko.
"Manliligaw ho ako, Ma'am, Sir. Actually, ilang buwan ko ng ina-attempt na ligawan si Scent sa school, ang kaso ay tinataboy niya ako. I know the real reason though. Nandito ho ako para pormal na magpaalam na liligawan ko ho ang anak ninyo."
Nagulat man ay itinikom ko nalang ang bibig ko. Inangat ko rin ang cellphone ko at pasimpleng kumuha ng litrato ni Armil at Mama. Si Papa sa gilid ay pangisi-ngisi lang.
"Masyado pang bata si Scent. Bata pa kayo. Ilang taon ka na?" tanong ni Mama.
"Seventeen, Ma'am. Turning eighteen."
"Ayokong nilalabas ang anak ko na hindi ako o ang Papa niya ang kasama. Nag-iisang anak namin ito at babae pa ito. Anong gagawin mo kung hindi kami papayag?"
"Kaya ko naman ho maghintay. Payag ho ba kayo hintayin ko si Scent hanggang sa legal age na siya?"
Bakit napaka-persistent nito?
"Hindi ka pa nga nakakapagpakilala. Paano ka namin papayagan?"
Nakakahiya. Gusto ko nalang kainin ng sofa.
"Armil De Luna. Seventeen. Wala pa ho akong maipagmamalaki sa ngayon pero may sideline naman ako, pwede na pang-date namin ni Scent sa isawan. At naniniwala din ho ako sa kasabihang hindi lahat ng may sakit sa pag-iisip ay nasa mental, kasi nandito ho ako, baliw na baliw sa anak niyo."
"Ayokong mapabayaan ni Scent ang pag-aaral niya."
Hala sige, mag-debate kayo diyan.
"Pwede naman hong maging study buddy kaming dalawa."
"Ma, hindi mo kilala 'yang kausap mo, swear," sabat ko.
"Bakit?" seryosong tanong ni Mama sa 'kin.
"Consistent honor student at may posisyon din sa councils ng school."
"So?"
Nagbaba lang ako ng tingin sa sinagot ni Mama. Napasimangot ako at sinamaan ng tingin si Papa na pinipigilan lang ang tawa.
"Seryoso ho ako, Ma'am, Sir. Hindi ho ako pupunta rito kung hindi. Hindi ko ho kayo haharapin kung nagpapasikat lang ako sa anak niyo.Sino ho baya 'yang anak niyo ba't ako magpapasikat diyan?" turo niya sa 'kin.
"Umuwi ka na nga. Ang dami mo pang sinasabi," irap ko.
"Kita niyo na? Ang sama ho ng ugali niyan pagdating sa 'kin. Pero idol ko po 'yan eh kaya syempre, magpapa-under ako."
"Dito rin naman sa bahay ganiyan 'yan. I mean, oo, spoiled ang batang 'yan dahil wala naman 'yang kaagaw sa lahat," tango ni Mama.
"Ma! Ano ba!"
Pinaningkitan ako ni Mama ng tingin.
"Ano? Eh sa totoo naman."
Okay. I'm out.
*****
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Teen FictionWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...