Scent's Point Of View
I was about to yawn when someone knocked on my bedroom door.
"Gising na, Senyorita Zethadel Scendra. Nakahain na ang pagkain mo sa baba."
Napangiti ako ng marinig ang boses ni Papa. Ganiyan ako ginigising ni Papa. Si Mama kasi hinahayaan niya lang ako matulog hanggang tanghali.
"Gising na ako, Pa! Nauna ka lang kumatok," sagot ko.
"O, bumaba ka na. Linisin mo 'yong bakuran."
Wow. Kaya naman pala.
"Ayaw, Papa!"
"Isusumbong kita sa Mama mo."
Dali-dali ay tumayo ako at binuksan ang malaking kurtina na takip ng bintana sa kwarto ko. Ang laki-laki naman kasi ng kurtina, pa'no ba 'to nilalabhan?
"Morning, Pa. Ang fresh mo po ngayon. Wow, 'yong muscles flex na flex," nakangiting bati ko pagkabukas ng pinto.
"Hindi mo 'ko madadala sa ganiyan, Zethadel. Kumain ka na at linisin mo ang bakuran."
Umalis si Papa sa harap ng kwarto ko. Saka ko lang napansin na bitbit pala nito ang aso namin. Siguro magj-jogging 'yon. Gano'n naman ginagawa niya kapag free day niya. I tied my hair into a messy bun and went straight to the kitchen, kung saan ko natagpuan si Mama na nagb-bake.
"Good morning, Ma!" malakas na bati ko.
"Morning. How's your sleep? Binulabog ka ng Papa mo 'no?" she chuckled.
"Hindi naman po. Gising na ako bago pa siya kumatok, nauna lang takaga katok niya," tawa ko.
"Kain ka na. Nag-bake na rin ako ng snacks mo throughout the day. Ilalagay ko lang 'to sa tupperware, okay?"
Perks of being an only child. I nodded.
"Sasamahan ko si Papa mo mag-jog. Stay here. Huwag kang magpapapasok ng kahit sino."
"Ingat," paalala ko.
Mama left a couple minutes after. Matapos kumain ay pumunta ako sa bakuran ng bahay at kumuha ng walis. Wala naman masyadong dumi na lilinisin, just the leaves of a fire fueled maple tree that surrounds the back and front of our house. Gustong-gusto ko talaga 'to, ang ganda lang tignan, lalo na sa umaga.
I stopped on my tracks when I heard a noise. Binitawan ko muna 'yong walis at nagtatatakbo sa harap ng bahay.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na sigaw ko ng mabungaran si Armil na nagpapagpag ng damit.
"Ang ganda ng bahay niyo."
"Anong ginagawa mo dito?! 'Tsaka, trespassing 'yan ah! Pa'no mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"I have my ways. I know this is trespassing, but I don't care. Kanina pa ako nagd-doorbell, walang nagbubukas," nakangusong sagot nito.
"Bwesit ka! Tumawag ka nalang sana. Ngayon, kailangan ko pa i-delete 'yong doorbell camera footage!" bulyaw ko.
Mahinang natawa si Armil at pinasadahan ako ng tingin. I'm still on my pajama's. Tinamad ako magpalit, isa pa wala pa akong ligo. Ang aga pa.
"Anong ginagawa mo dito? Anong oras pa lang, De Luna. Gago ka ba?" naiinis na tanong ko.
"Gago pa nga. O, sige, gago na ako. Masama ba hilingin na makasama ka ngayong sabado?"
Punyeta. Ikalma mo, Armil. Ayoko ma-attach.
"Malalagot ako kapag nakita ka ni Mama. Umalis ka na."
"Okay. Hintayin kita sa park, mamaya, lunch date. I got you, mon amour," my love. he winked and clicked his tongue. He smiled widely and left. Hanggang baywang lang ang puting gate ng bahay namin at walang kahirap-hirap niya lang itong nilundagan.
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Teen FictionWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...