Chapter 7

884 29 1
                                    

Scent's Point Of View

"Napuntahan mo na 'yong bulletin?"

"Apple, kakadating ko lang. 'Tsaka, ano bang mayro'n sa bulletin?" tanong ko sabay lapag ng bag ko sa upuan.

"Nando'n na 'yong results kahapon. Tignan natin 'yong sa 'yo," aya niya.

Tumango ako bilang sagot. Sabay kaming lumabas at naglakad sa hallway habang nagk-kwentuhan. Wala pa masyadong estudyante, maaga pa kasi. Naging natural na sa 'kin 'yong gumising ng sobrang aga these past few weeks.

"Hindi daw ako tanggap, sabi ni Armil kahapon."

"Ikaw? Hindi tanggap? Imposible. Hindi na ako magtataka kung biglang naging leader ka na ng Music club," mahinang tumawa ito.

Minsan hindi ko talaga naiintindihan 'yong takbo ng utak ni Apple.

"Required na kapag sumali ka sa Music club, eh, magaling ka rin kumanta. I was about to tell you that before the audition, ang kaso nawala sa isip ko. Kaya nagtaka ako kahapon no'ng nag-perform ka tapos ayos lang kay Armil kahit hindi ka kumanta.

"As what I've said, Armil is picky. Isa sa rules niya na kapag hindi marunong kumanta, automatic disqualified," dagdag ni Apple.

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Apple. Ano ba 'tong mga pinaggagagawa ko sa buhay!

Pagdating sa harap ng bulletin ay may iilang estudyante na. Hinahanap rin siguro kung nakapasok ba sila sa mga clubs na sinalihan nila. Lumapit ako at hinanap 'yong Music club. Pagkakita ay hinanap ko agad ang pangalan ko. Napakamot ako sa ulo nang hindi mahanap ang pangalan ko.

"Hindi ako tanggap, Apple. Wala 'yong pangalan ko," I murmured.

"You didn't check well. Ako nga."

Tumabi ako para bigyan siya ng daan. Mas matangkad ako kay Apple kaya kailangan niya pang tumingkayad dahil nasa itaas 'yong papel ng Music Club.

"I'm going to punch Armil for putting the paper this high!" naiinis na sigaw niya.

"Wala nga 'yong pangalan mo, Scent."

"Sana pala hindi na ako nag-audition," I disappointedly remarked and walked away.

Para akong napahiya, in a low-key way. Galit nga yata sa 'kin 'yong tarantadong 'yon dahil sa ginawa ko. 

"Scent, hintay!" narinig kong sigaw ni Apple.

Tumigil ako saglit sa paglalakad. Nang nasa tabi ko na si Apple ay saka lang ako naglakad ulit. I stayed silent until we reached our classroom. Nandoon na ang ibang kaklase namin. 

"Nakapasok ka, Scent?" tanong ni Mykee.

"Hindi," walang gana kong sagot at umupo sa upuan ko.

Lumapit si Alyssa sa 'kin at umupo sa harap ko. So as Mykee and the others.

"Ha? pa'no nangyari 'yon? Akala ko ba may something kayo ni Armil?" tanong ni Marga.

"Walang something sa 'min, ano ba kayo," iling ko.

"Makiki-tsismis na nga lang Antonia Margaret, mali-mali pa," sarkastikong sabi ni Alexandra.

"Eh, 'di sorry!" tumawa si Marga.

Nanatili akong tahimik habang nag-uusap sila. Topic pa naman nila 'yong mga clubs na pinasukan nila. My God! I'm so disappointed and embarrassed. Gusto ko na tuloy mag-transfer ulit.

Mayamaya pa ay dumami na ang mga estudyante. Hindi rin nagtagal ay pumasok si Armil na may malaking ngisi sa labi. I drifted my eyes away from him and focused on my phone. May WiFi ako, naka-connect kasi ako sa pocket WiFi ng kaklase ko.

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now