Chapter 14

764 27 0
                                    

Scent's Point Of View

Nagising ako hindi dahil sa sinag ng araw galing sa bintana. I woke up because of the noise outside my room. May nagsisigawan. Halatang si Mama at si Papa. Boses pa lang.

"Masama bang tumulong sa kapwa?" boses 'yon ni Papa.

"Anong tumulong? Mamumulubi tayo diyan sa ginagawa mo!" 

Napakamot ako sa batok at bumaba.

"Ma, Pa. What's with the noise?" I gently asked.

"Ask your father," irap ni Mama.

Ngayon alam ko na kung kanino ako nagmana sa pagiging maldita. 

"Mr. Garcia borrowed 1.2 million pesos for personal purpose."

Natahimik ako at mayamaya pa ay nasamid sa sariling laway. 

"Pa! Isang milyon?! Seryoso ka ba?! Don't tell me pinahiram mo?!" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Sorry, nak, pinahiram ko."

My knees went jelly. Papa owns a residential real-estate pero hindi biro ang isang milyon. 

"Pa! Paano kung takbuhan tayo no'n?" singhal ko.

"Hindi. Babayaran niya tayo buwan-buwan. His monthly payment is thirty-one thousand on a five-year mortgage."

Thirty-one thousand multiplied by twelve for twelve months and multiplied again by five for five years. The total amount is one million, eight-hundred, and sixty thousand. Total amount subtract to amount of mortgage. One million, eight-hundred, sixty thousand minus 1.2 million. So, the total interest is six-hundred sixty thousand.

"May kasunduan kayo?" I asked.

"Yes, in front of some lawyers. Relax, you two."

Sumimangot ako at sinamaan ng tingin si Papa.

"Hindi mo nga ako binibigyan ng pera tapos isang milyon nagpapahiram ka sa iba. How could you, Pa."

"Hindi ka ba papasok ngayon?" sa halip ay tanong nito.

Napatingin ako sa wall clock at automatikong nanlaki ang mga mata.

"Hindi ka na makakapasok sa school ng ganitong oras. Mamayang hapon ka na pumasok," sabi ni Mama.

What am I gonna do then?

"Sasama ka sa 'kin. We're going to your Auntie's house."

"Anong gagawin natin do'n, Ma?" tanong ko.

"No more questions. Pumanhik ka na sa itaas at mag-ayos. May laway ka pa sa pisngi mo. And you," dinuro ni Mama si Papa.

"Dito ka sa sala matutulog for one week."

Nalukot ang mukha ni Papa. Pag-alis ni Mama ay agad rin itong sinundan ni Papa. I snickered and went back to my room. I cleaned my bed and arrange everything. Matapos ay ako naman ang nag-ayos. Hindi rin nagtagal ay tinawag ako ni Mama.

"Hindi pa rin kayo bati?" pabulong na tanong ko kay Papa habang naglalakad kami palabas.

"Hindi," umiling si Papa.

"Naaawa lang naman ako doon sa tao. His wife is in the hospital," dagdag niya.

"Sinabi mo ba kay Mama?"

Umiling si Papa. Napahawak ako sa noo.

"Sabihin mo kasi kung anong purpose at pinahiram mo ng pera 'yong tao."

"Gano'n ba 'yon? Common sense na 'yon 'di ba?"

Napatampal ulit ako sa noo dahil sa sinabi ni Papa. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Complicated.

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now