Chapter 15

796 27 1
                                    

Scent's Point Of View

Mabilis na lumipas ang mga araw at heto nga akong nakaupo at kaharap si Ma'am na may hawak na papel. Today is our examination. I'm a bit nervous and excited. Nag-aral naman ako pero kinakabahan pa rin ako.

"Hoy, itaas niyo lang 'yong papel niyo. Magtulungan tayo dito," bulong ni Christine.

"Scent, klaro pa naman mata mo 'di ba?" tanong ni Alexandra.

Tumango ako bilang sagot. May limitasyon naman ang paggamit ko ng mga gadgets kaya sa tingin ko ay wala namang problema 'yong mata ko.

"Hoy Mykee, Jareyn, siguraduhin  niyong makikita ni Scent. Siya lang pag-asa namin."

Tango lang ang isinagot ni Jareyn kay Alexandra. Si Mykee naman ay napangisi.

"Sige lang, sabay-sabay tayong bumagsak," tawa nito.

Nang magsimula ang exam ay bantay sarado kaming lahat ni Ma'am. Isang maling galaw mo lang hello San Pedro ka na.

"Ang hirap naman nito," bulong ko.

I kept tapping the table while hopelessly staring at the paper. Yes, I studied, but it wasn't enough. Ang hirap. Familiar 'yong mga tanong pero ayaw ma-proseso ng utak ko kung ano 'yong sagot. Sakit sa eyes.

"Scent, may sagot ka na?" tanong ni Shiela na nasa likod ko.

Bahagyang lumingon ako sa kaniya at umiling.

"Wala, ang hirap. Ikaw? Mayro'n ka na?" balik tanong ko.

"Wala rin," mahinang tawa niya.

Sumandal ako sa upuan. Agad na lumingon si Ma'am sa 'kin kaya tumingin ako sa kisame, kunyari ay nag-iisip. Muntik na 'yon. Nakakatakot naman si Ma'am. Umayos lang naman ako ng upo.

"Scent. Scent, sa harap," nakatungong bulong ni Alexandra sa 'kin.

Agad akong umayos ng upo at tumingin sa harap. Nakataas na ang sinasagutang papel ni Jareyn kaya kitang-kita ko ang mga sagot. Sinulat ko 'yon agad sa papel ko at sabay namang sinulat ni Alexandra at Christine 'yong mga sagot sa papel nila.

"Colina, akin na kamay mo," tawag ni Shaila.

"Bakit?" mahinang tanong ko.

"Basta, akin na."

Ibinaba ko ang kamay ko at nilagay sa likod. May nilagay na papel si Shaila at agad ko 'yong dinala sa harap ko. Nagtaas ako ng tingin kay Ma'am at nang makitang hindi siya nakatingin sa gawi ko ay agad kong binuksan 'yong papel.

"Pinapabigay ni Armil," bulong ni Shaila.

Hey, baby. Here are some answers for you. You're so pretty and I like you.

Nag-angat ako ng tingin kay Armil. He gave me a smug smile and a wink. Nagbaba ulit ito ng tingin at nagpatuloy sa pagsasagot. Napahinga ako ng malalim at sinulat 'yong mga sagot sa papel. This is clearly cheating, my goodness.

"Ang bilis ng mata ni Scent! Ang bilis namin nasagutaan 'yong mga tanong kanina."

Magkasama kami ni Christine, Alexandra, Jareyn at Mykee na naglalakad papunta sa canteen. Wala si Apple, hula ko ay kasama na naman nito si Jun.

"Hindi ako sure do'n sa mga sinagot ko," ani Mykee.

"Hala same. Basta naka-sagot ayos na 'yon."

Sure ako do'n sa mga sinagot ko. Galing kay ano eh.

"Hinahanap ka ni De Luna. Nasa garden," saglit na lumapit si Amos sa 'kin at binigyan ako ng pagkain.

"Ah... salamat?" patanong kong sabi.

"Yup. Puntahan mo na, baka umiyak," tumatawang ani nito.

Nagpaalam ako sa mga kasama ko. Panay tukso ang ginawa ni Christine at Mykee sa 'kin habang paalis ako. Natawa nalang ako at hindi na nag-abalang balikan sila ng tingin.

"Armil John!" sigaw ko at nagtatakbo sa kaniya.

He extended his arms wearing a wide smile. Ang akala siguro nito ay yayakapin ko siya. Itinaas ko ang kamay ko at piningot ang tainga nito.

"Babe! What was that for?" nagsalubong ang makapal na kilay nito.

"How dare you! I cheated! Oh, my God, nagawa ko ba talaga 'yon? Kasalanan mo 'to!" sigaw ko.

Armil chuckled and pulled me close for a hug. He rested his chin on my shoulder.

"Hindi 'yon pasok sa cheating," mahinahong sabi nito.

"Anong hindi? Cheating 'yon! Kung hindi ka ba naman kasi siraulo. Bakit mo ba binigay 'yon?"

"Kinopya mo naman," tukso niya.

Dahil sa inis ay hinampas ko ang matigas na braso nito.

"I was tempted, okay? Cheater na ako," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Hindi nga kasi cheating 'yon. Bakit ba ayaw mong maniwala sa 'kin, babae?"

"Kung hindi cheating 'yon... eh ano?"

"Hindi pasok sa cheating 'yon kasi hindi naman answer key 'yong kinopya mo. Kaklase mo ako at galing sa 'kin ang mga sagot na 'yon. Ibig sabihin, kumopya ka lang sa 'kin. That's why, you cannot call it cheating. Unless, answer key 'yon at binigay ko sa 'yo. Then that is the real cheating," he paused. "Relax, babe. Kapag ako ang kasama mo, walang mangyayaring masama sa 'yo."

I was a little relieved but still guilty.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Paano kung nahuli ka ni Ma'am? Hindi ka ba nag-iisip?" sunod-sunod na tanong ko.

I admit. I'm concerned and scared for him, for what he did.

"Colina, hindi mo pa talaga masyadong kilala ang mga kaklase natin," nagpakawala ito ng mahinang tawa. "Matinik ang mga 'yon pagdating sa mga test at exam. Hindi mo malalaman ang mga galawan at tactics nila, unless isa ka sa kanila."

"How'd you know that?"

"I've been with them since junior years. Sa loob ng mga taong 'yon, masasabi kong expert na talaga sila sa mga ganito. You see, maloko lang sila pero concerned at grade conscious. Hindi nila tinatanggap ang numerong otso. Dapat puro siyam ang linya, pulido at malinis."

Magaling sa oral, perfect sa quiz, at ace sa lahat ng subjects. Oo, napansin ko 'yon. Mahilig sila magbiruan, maloko kagaya ng mga normal na estudyante, pero hindi nagpapahuli pagdating sa pag-aaral. Kapag may quiz na magaganap, hindi mo sila makikitang nag-aaral last minute before the test. Palagi silang nagtatawanan at may kaniya-kaniyang mundo. Pero pagkatapos ng test, magugulat ka nalang sa mga scores nila. May isa o dalawang mali, pero kadalasan perfect.

"Gano'n ka rin?"

Armil's bare hands made its way to my back and gently pulled me to sit on the grass.

"Minsan, kapag tinatamad ako mag-aral. Nakiki-kopya ako. May mga times pa rin naman kasi na tinatamad ako mag-aral. Lahat kami sa room nagtutulungan. Kapag may nakita kaming nahihirapan, gumagawa kami ng paraan para tulungan ang taong 'yon."

"Napansin mong nahirapan ako kanina?"

"Hindi. Pansin ko lang na pagod ka. Kaya para makapasa ka na at makapagpahinga, binigyan na kita ng sagot. I was glad you passed it and you had a rest afterwards. Ang ganda mo, sobra," amusement danced in his eyes.

"Armil."

"Yes?"

"Kanino ka lang?" tanong ko.

"Sa 'yo," his lips parted.

Napangiti ako at inabot ang buhok nito. I gently stroked his hair.

"Good boy."

Sa 'yo lang din ako.

*****

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now