Scent's Point Of View
Nakahiga si Armil sa patient's bed ng clinic. Nasa tabi ko si Apple at Jun. Silang dalawa kasi ang agad kong tinawagan. Kami ni Jun ang umakay kay Armil papunta dito at si Apple naman ang may dala ng gamit naming lahat. Wala pa ring malay si Armil kaya hindi na humiwalay ang kaba at pag-aalala sa dibdib ko.
"Sumasakit ang ulo nito at dumudugo ang ilong dahil sa sobrang init ng panahon. Huwag ka ng mag-alala, Colina. Ayos lang si De Luna," ani ng school nurse.
"Pero nakita ko po siya na nakahiga sa malamig na tiles at walang malay. Normal po ba 'yon?"
"Yes, that's normal. Nag-react lang ang katawan nito at hindi yata kinaya ang init ng panahon."
I nodded. Naiwan kaming tatlo na nakabantay kay Armil.
"Mauna na kayo. Hihintayin ko lang na magising si Armil saka ako uuwi," naisatinig ko.
"We can stay a little," Apple insisted.
We talked for a little until the clock strikes at six in the evening. Nagpaalam na ang dalawa sa 'kin kaya ako nalang ang natira na nakabantay kay Armil. Umidlip muna ako saglit at nagising lang ng maramdamang may humahaplos sa buhok ko.
"Gising ka na! Pinag-alala mo na naman ako," natutuwang sigaw ko.
"I'm sorry," he softly whispered.
"I'm annoyed. Nga pala, kamusta pakiramdam mo? Gusto mo tawagin ko 'yong school nurse?"
"No need. Kanina pa ako gising. I'm all good. What time is it? I was enjoying playing your soft hair. It feels so smooth against my hand."
Napahawak ako sa sariling buhok. It feels normal. Hindi rin siya smooth sa kamay koo. Or it's just me... judging myself.
When the time strikes at seven in the evening, we left the school infirmary. Sa labas ay natagpuan ko ang kotse ni Papa. Nakabukas ang bintana ng drivers seat kung saan ito nakaupo at humihilik.
"Nakakaawa naman si Tito. Why didn't you left first?" Armil asked.
"Because you were there. What do you expect me to do?" salubong ang kilay na tanong ko.
He smiled and hugged me from behind. "Kinikilig ako. Tama ka na, Colina."
"Bitaw. Sa harap pa talaga ni Papa." Napailing ako. "Pa, gising. Bakit dito ka natutulog?"
Humikab si Papa at tumingin sa 'kin. Napaayos ito ng upo at binati si Armil.
"Inantok ako."
"Bakit hindi ka nalang umuwi muna kanina? Ilang oras ka pa tuloy naghintay dito. Masakit ba likod mo?" tanong ko.
"Kailangan ko ng masahe ng mama mo mamaya. Uuwi ka na? Hatid ka na naman, hijo," baling nito kay Armil.
"Dala ko 'yong bike ko, Tito," iling niya.
"Ayos lang, ilagay natin sa likod. Lumalalim na ang gabi baka ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan."
Bro, just say yes. Gusto ko rin makita ang bahay nila.
"Sige, Tito."
And so, Papa assembled his bike at the back of the car. Armil insisted on driving. At dahil hindi naman alam ni Papa ang daan papunta sa kanila, pumayag ito. I was sitting on the back, Papa on the passenger's seat, while Armil is the driver.
"Kumakain ka ba ng streetfoods, Armil?" imik ni Papa.
"Yes, Tito. Isaw and kwek-kwek, the best!"
"I know, right?! Betamax at balut, sobrang sarap ng combo!"
Wala akong makuha sa pinag-uusapan nila kaya hindi nalang ako umimik. I know streetfoods, but not the name. Isaw, kwek-kwek, at balut lang ang pamilyar sa 'kin.
"We're here," Armil announced.
Napatingin ako sa labas. May lumapit na gwardiya sa 'min at kinausap si Armil. Pagkaraan ng ilang minuto ay binuksan nito ang gate. Ang gaganda ng mga bahay dito. A subdivision, I guess. Ilang minuto pang nag-drive si Armil at bigla nalang tumigil sa isang malaki at galanteng bahay.
There's a fancy gate light on their gateway, a nice red carpeted floor from the gate all the way to the main door of the huge house. Dala-dalawa rin ang pinto ng bahay nila. May sumalubong na mga kasambahay sa 'min at binati si Armil. He smiled and greeted them back.
"Thanks for the ride, Tito. I'll pay you back next time."
"Bahay niyo ito?!" gulat na tanong naming pareho ni Papa.
Armil looked puzzled for a second but later on nodded. "Yes, Tito."
"Oh... okay. Sige, mauna na kami ni Scent."
"I-ingat ka, ba-bye," I waved.
"Take care. I'll see you tomorrow," he waved back.
Papa maneuvered the car and we made our way out of the subdivision.
"Hindi sa pinago-overthink kita o ano, anak, pero na-realize ko hindi kayo bagay ng batang 'yon," Papa sighed heavily.
Lumingon ako. "What do you mean, Pa?"
"Pogi siya, ikaw ano... huwag nalang baka ma-hurt ka, 'nak."
"Pa!"
Buong byahe ay nakangisi si Papa pero hindi umiimik. Pagdating sa bahay ay mahaba ang nguso na nagsumbong ako kay Mama. Mama didn't looked surprise at all. She just smiled and kissed me on the cheek.
While eating dinner, Papa broke the silence.
"Hindi ko inasahan na gano'n pala kayaman ang pamilya ng manliligaw ng anak natin."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Mama.
"Hindi ba nasabi niya sa 'tin nagb-bike lang siya kapag pumupunta sa school? Well, hinatid namin siya ngayon sa bahay nila dahil lumalalim na ang gabi at delikado na para sa kaniya na umuwi ng mag-isa. Hula ko ay nasa five storey ang bahay na tinitirhan ng batang iyon," kwento ni Papa.
"True, Ma. Ni hindi ko nga alam na gano'n sila ka-yaman. Hindi niya nasabi sa 'kin," tango ko.
"Mukhang naka-jackpot ka, Zethadel," Mama chuckled.
"Bakit hindi mo pa sinasagot ang batang iyon, anak? He looked so persistent yet patient waiting for your answer," baling ni Papa sa 'kin.
I cleared my throat. "Hindi naman namin minamadali ang lahat. Armil is a nice guy, a gentleman, he understands me, takes good care of me, but not now. I'm still sorting things out."
"Paano kung sumuko na sa 'yo?" Mama asked.
"I doubt that," Papa disagreed. "Hindi niya tayo haharapin kung susukuan niya lang si Scent. That would create a huge impact on our pride and ego."
"Tama ka sa mindset mo na iyan, anak. Always make yourself happy and contented, okay? Hindi lahat mayroon ng kung anong mayroon ka. If you think this is not the right time yet, then no need to rush it. Take your time. Hindi ka naman pine-pressure ni Armil sa school?" tanong ni Mama.
Umiling ako. Armil still acts the same tho, except sa part na mas naging clingy ito. May mga times na lumalapit siya sa 'kin kapag free time para ayain akong mag-aral o 'di kaya ay para pakainin ako kahit hindi ako nagugutom. Tataba ako ng wala sa oras dahil sa lalaking iyon eh.
"Hindi, Mama. Hindi niya nga ako tinatanong kung kailan ko siya sasagutin. He's territorial at times but can be handled. Mukhang siya pa nga ang dahilan ng pag-taba ko ng biglaan. Palaging may dalang pagkain eh, parang binili na yata an g buong paninda ng dinadaanan niyang tindahan," litanya ko.
"Boto na ako sa batang 'yon para sa 'yo," ngiti ni Mama.
"Ako hindi. Hindi naman sila bagay!" Papa exclaimed.
Mukhang may matatamaan ako ngayong gabi.
*****
YOU ARE READING
Ang Puting Brief ng Aking Kaklase
Teen FictionWhen a bad boy falls in love with a timid girl. Cliché isn't it? But for some reason, a few find it intriguing. Zethadel Scendra Colina is a transferee student at a semi-private school where she will unravel the secrets within. What kind of life rid...